Hindi ko sinusunod ang mga araw natin dito sa 'Pinas. Dahil na rin siguro sa uri ng trabaho ko kaya tinuturing kong weekend ang Sunday at Monday. Ito kasi ang mga araw kung saan wala akong pasok. :)
What's with the weekend, anyway? I'll be doing my laundry and clean my stuff today or maybe for the whole day, I guess.
At this moment, I'm listening to U-Kiss Binguel Bingeul, and it makes me dance. :) I can't wait for next month's menu, will I ever finish the task earlier or not?
Kailan naman kaya ako makakabili ng cellphone? Napaka-unattainable naman kasi ng goal ko kaya kahit iyong pagbili ng cellphone nadadamay pa, hihi. Hayy, di pa din ako nakakabawi, ika nga sa kanta eh, "And honestly, I'm down like the economy." Ang dami kong gustong gawin pero hindi ko magawa. Nakakaawa talaga ako.
Gusto kong magsimba, pero hindi ko din magawa. Patawad.
Sana magawa ko naman iyon mamaya.
Kung magiging mahigpit lang ako sa sarili ko, magiging maginhawa ang lahat. At matatapos ko agad iyon ng maaga pa sa 6 months na inaasahan ko. So this coming Christmas, masaya ang pamilya. ☺ ☺ ☺ ☺ ☺ ☺
Nakarecover na din ako sa sigalot na naganap. Nakakatawa at nakikihalubilo na din ako sa kanila. Just feeling sorry for the others 'cause they are still having a bad time dealing with those damn clients. At least I'm out na.. :) Safe na ako.. :D Hehe..
Patapos na din ang January, sana naman may mangyaring maganda ngayong February. ♥
At sana, hindi na ako masyadong inaantok sa trabaho. Pesteng schedule naman kasi yan! Ang hirap ng kalagayan ko kung parating ganito. Nagsa-suffer ang buong linggo pati na performance ko kung lagi akong pagod at kulang sa tulog. Kapag naman nakabawi ng tulog, ganoon pa din, parang pagod at gusto ko lang ay humiga. Argg...
Tumataba na naman ako. Lagi naman. Lagi naman akong mataba, kelan ba ako pumayat?
Kaso habang tumatagal, nagiging problema ko na talaga ito. Hayy..
Dapat talagang mag-exercise, lalo na kapag nauubusan na naman ako ng dugo dahil sa magulong sakit na ito.. damn.
Nga pala, naiinis ako sa pinalitan kong Lead, mukhang adik lang. Tinanong ko siya kung ano ibig sabihin ng 'trustee'.. sagutin ba naman ako ng, "May dictionary ba kau sa bahay? Tignan mo dun." .. grrr
May mga ganoong tao, ano? Akala mo cool na cool sila, eh hindi naman. Mukha pa silang adik kung tignan.
Good morning half of the world! :)
Time for wanderlust again. ☺
불행해요.
____________________