16 September 2010

Illness, again.

Kahapon, ang isang malaking pagbabago sa buhay ko.
Bukod sa wakas ay nagkaroon na ako ng trabaho, ay binawi na naman ng aking karamdaman ang aking kasiyahan.

Habang abala ako sa pagwawalis ko, bigla na lamang akong napuwing.  Naabala ko pa si mama na kasalukuyang may ginagawa noong mga oras na 'yon. Kahit anong hilamos ko, hindi pa din maalis 'yong puwing na pumasok sa kaliwang mata ko. Para bang nasa gitna ito at nakaharang sa paningin ko. Naiiyak na ako pero wala pa din. Hindi matanggal. Ang kakaiba lang ay hindi mahapdi, masakit lang. Hindi din namumula ang kaliwang mata. Nagising na lang si Eloida sa nagyayari at kinuha ang maliit na flash light n'ya, 'yung ginagamit ng mga doktor sa mata. Pinilit n'yang hanapin ang sinasabi kong naka-"puwing" sa mata ko pero wala siyang makitang kahit na anong bagay- tanging isang maliit na laman sa gitna ng mata, sa bandang itim ng mata ang nakita n'ya. Wala namang magawa si mama noon dahil masakit lang ang mata ko pero wala namang makitang pamumula o kakaiba sa mga mata ko. Lumipas ang buong maghapon na nakapikit ang isang mata ko. Sumama na rin ang pakiramdam ko dahil doon at hindi na ako kumilos pa buong maghapon.
Hanggang naisip ni mama na ipatingin ako sa isang kaibigang Optalmologist. Gabi na ng makarating kami sa bahay ng kaibigan niya, pero nang makita agad ako ni Doktora, wala siyang naitanong kundi, "Masakit ba ang mata mo?" at, "Ano ang nararamdaman ng kaliwang braso at kamay mo?". Nang sagutin ko siya ng "masakit" at "walang pakiramdam", walang pasubaling naipayo niya ay isugod na agad ako sa ospital. Sinubukan niya akong painumin ng Iced Tea, at tiningnan kung ano ang magiging reaksyon ng aking katawan, unfortunately, nabasag ko ang baso at nangingig ang aking panga at bibig. Kaya naman dapat na talaga akong isugod sa ospital.

To cut the story short, I was attacked by a Mild Stroke. I was diagnosed as having high blood, and low blood as well.
The moment na inakala kong napuwing ako, ay oras na inatake na pala ako. At imbes na ugat sa leeg ang pumutok, ang kaliwang mata ko ang nakatanggap ng pressure na nagdulot ng pagputok ng laman sa itim sa mata ko. I was just really lucky, I'm still alive.

And the worst part, I'm close to being paralyze. Because my left hand and arm was numb the whole day. I don't even know if I can still feel. Imagine that?
Nakabasag ako ng isang baso sa bahay ni Doktora at apat na tasa sa ospital dahil wala ng tinatawag na "grip" ang kaliwang kamay ko.

I'm numb.
I'm hopeless.
I'm helpless.
By myself.

And I hate it.

They gave me lots of medicines- drugs, as I call it.
Napakaraming bawal. Halos lahat na yata ng pagkain, bawal sa akin. Kung mahal ko pa raw ang buhay ko, sumunod daw ako sa lahat ng payo nila.
I'm undergoing a therapy na din. Every two weeks, para akong nagpapa-massage, I have to exercise my whole body na hindi dapat napapagod.
Madali na din akong hingalin, mapagod at biglaan kung mag-palpitate ang mga nerves ko sa leeg at buong kaliwang mukha ko namamanhid.
At bago pa umatake ang pangalawa at pangatlo, baka hindi na ako abutan ng bente-singko anyos kung hindi ko aalagaan ang sarili ko!!!

Tapos kinabukasan, orientation ko na para sa work ko. Kamusta naman iyon?
So, wala akong magagawa. Talagang sangkap na ito ng buhay at ang tangi ko na lamang magagawa ay ingatan ang sarili ko.
Kailangan pa ako ng pamilya ko. Ngayon pa lang ako gumagawa ng buhay. Ngayon ko pa lang naranasang magtrabaho. Ngayon ko pa lang nakikita ang totoong mundo, kasama ang karamdamang ito..

At ng dahil sa karamdamang ito, naramdaman kong mahalaga pala ako sa pamilya ko. Nakita ko ang kanilang pag-aalala, ang kanilang alaga.
Parati din silang nagpapaalala at binabanatayan ako kapag natutulog. Naisip ko tuloy, sa kabila ng lahat ng hirap at sakit na dulot ng sakit ko, na kahit masakit ang bawat injections, na kahit umiinom ako ng limang klase ng gamot sa loob ng isang araw, na kahit nagsusuka at nahihilo ako, maswerte pa din ako! Masarap palang mabuhay kapag alam mong may buhay ka talaga, na hindi ka isang bato, nasasaktan ka at umiiyak. Nagigising sa bawat araw na may dahilan.. ginagamit ang lahat ng oras sa mga bagay na alam mong may kabuluhan.

Magta-trabaho ako, para sa sarili at sa kanila.
Magiging kuntento at masaya sa bawat bagay na dumarating.
Mangangarap at pipiliting tumawa.
Iiyak sa oras na masaktan at ngingiti sa bawat umaga.
Dadamhin kung ano ang pakiramdam ng may kayakap at kahawak-kamay.
Tatanawin lahat ng magagandang bagay at titingin sa pinaka-positibong aspeto ng buhay.
Dahil alam ko, at alam nila, na kahit alam nating lahat na doon tayo patungo, sa huli nasosorpresa pa din tayo at umiiyak.
Ayokong dumating sa puntong hindi ko man lang napangiti ang pamilya ko sa sarili kong kakayahan.

Habang nandito ako, mananatili akong buhay at may buhay. :)
Dahil masarap mabuhay.

____________________

08 September 2010

Work.

Sabi ng teacher ko noong high school, kapag nagatapos na kami ng pag-aaral, kinakailangan na naming maghanap ng trabaho. Trabaho na makapagbibigay sa amin ng pangangailangan namin.

At heto ako ngayon, nasa tamang edad at nasa tamang panahon na para magtrabaho..

Siguro talagang sangkap na lamang ng buhay ang mga ganitong pangyayari.
Hindi kayang ihayag ng mga salita lamang ang bawat alala, kaba at saya ng matanggap ako sa unang pagkakataon sa ninais kong trabaho.

Masaya.
Pero natakot din ako.
Imagine? Almost three days na akong hapo dahil sa pagpapa-medical at pagpapasa ng requirements. Enjoy na nakakapagod.
Ni hindi ko alam kung ano'ng maaaring mangyari sa akin sa trabahong pinasok ko.

Mukha namang hindi mahirap maging isang Business Processing Associate sa isang kilalang kompanya. Kaya hindi na masama. Non-voice ang trabaho at laging mat over-time. Hehe..

Well, excited na ako sa unang araw ng aking trabaho.

Good luck sa akin!

____________________

01 September 2010


I was waiting for the sun to rise.

____________________