Na magiging malaking puno balang-araw! Wahahaha!
Noong.. nakaraang buwan, kumain sila Mama ng Avocado. Dahil bihirang-bihira lang ako makakita ng prutas, eh hindi ko alam kung anong klaseng prutas ang Avocado (It's really strange to type the word Avocado).
Anyway, Mangga lang naman kasi ang kilala ko kaya anong magagawa ko kung hindi ko alam kung anong itsura ng Avocado?
At noong araw na sumakabilang-buhay na si Lolay ay nakita ko ang isang buto na tinubuan na ng dalawang dahon. And knowing na wala namang lupa dito sa amin, saan naman at paano tumubo ang butong ito?
At ayon na rin sa pag-aanalisa nila, maaaring ito ay buto ng Avocado, o buto ng Mangga. Either one of them, kumbaga.
Lumipas ang mga linggo at tinutubuan na ang mga dahon ang butong wala sa lupa. Lumalaki na ito at nagkakaroon na ng ugat. So ayun, frustrated ako sa paghahanap ng lupa!
Kailangan ko ng LUPA!
At syempre, akin na iyonh tumutubong buto na 'yun. Akin lang 'yun at wala ng pwedeng umangkin pa.. :)
Bwahahahaha..
____________________