Vox Populi
Isang linggo mula ngayon ay Eleksyon na. Sa unang pagkakataon, makakaboto na ako. Sa unang pagkakataon, mae-experience na ng lahat ng mga botante ang tinatawag na Automated Election sa pamamagitan ng isang Automated Machine, simula sa bagong-bagong pagbabago.
Hangga't maaari, ayokong mag-post ng mga ganito dito. Hangga't maaari, time-out muna tayo sa iba't-ibang masalimuot na anyo ng pulitika. Sa totoo lang, iritable ako kapag pulitika na ang usapan. Hangga't maaari, ayoko itong tinatalakay.
Pero dahil isa akong responsableng mamamayang naninirahan sa isang malayang bansa, nasa tamang edad na, at take note, nakapagpa-register na para bumoto, at sa mga milyong-milyong tulad ko, makikialam ako. Ngayon lang naman.
Para sa lahat: wala akong pakialam kung sino ang iboboto n'yo.
Sa halos buong araw na panunuod ko sa TV, wala akong makita kundi campaign ad ng kung sinu-sinong kumakandidato. Pati na rin sa kahabaan ng Alabang-Zapote at Taft, ano pa bang mapapansin mo? Malamang campaign posters. Anyway, natural lang iyon para malaman natin kung sinu-sino ang kumakandidato, hindi ba?
Pero tulad nga ng sinabi ko, wala akong pakialam kung sino man ang iboboto niyo. Ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang napupusuhan, gusto, manok, pambato, etc.
Whatever the word.. gustong manalo.
Dito sa bahay, minu-minuto, ito lang ang topic. Kapag lumabas si ganyan sa TV, magre-react si Ate. Kapag lumabas ang ad ni ganyan, kung anong kapintasan ang sasabihin ni Bibz.
Kanya-kanya.
Kanya-kanyang opinyon.
Kanya-kanyang pamimintas.
Kanya-kanyang ewan.
Sa haba ng naging campaign period nila at sa dami ng naglabasang programa sa TV para ipakilala ang bawat kandidato, isama mo na lahat ng mga nagawa at issues tungkol sa kanila, malamang alien ka kung hindi mo pa sila kilala.
Mula sa Bilog na Hugis Itlog hanggang sa walang katapusang pasaringan ng bawat kandidato sa kapwa kandidato, hindi ko lubos maisip kung saan nila kinukuha ang kapal ng kanilang mga mukha. Siguro, isa iyon sa characteristics ng dapat meron ang maging pangulo. Hehe..
Seriously, para sa lahat ng boboto sa darating na halalan, obligasyon natin ang kilalanin at kilatisin ang bawat kumakandidato. Bilang tao na may malasakit pa sa bansang ito na halos kada linggo ay tumataas ang bilihin, dapat maging aware tayo, maging matalino, at sumulong para sa lintik na pagbabago na yan.
Oo, gagaling niyo! Noong elementary ako, pina-impeach niyo si Erap, anong nangyari? Lahat ng pinapanood ko sa TV kapag hapon hindi ko napanuod, iyong episode sa Daimos hindi ko na nalaman ang nangyari at magiging pahulaan na lang sa akin hanggang ngayon! Daming niyong satsat! Kayong mga avin supporters kuno, pero kapag may mga trial na, kayo pa nauunang ipagkanulo ang dati niyong manok! Mag-rally lang sa ganitong lugar, gusto na ulit magkaron ng Edsa war! May ipinaratang lang na ganito sa presidente, maghahain na ng reklamo para ipababa siya.
Eh kayo ba mga nag-iisip?
Noong wala pa ako sa tamang edad para bumoto, gustong-gusto kong bumoto, at ngayong makakaboto na ako, nakakapag-dalawang isip pa. Hayy, these people doesn't deserve any kind of attention. They keep on putting other people down, and yet they don't even know that when you keep a person down, some parts of you must hold him down. Hands? Maybe. Hands that was given a chance to solve a lot of problems.
Sa isang patalastas nga nasabi ang, "Pinakamabigat na interview sa pinakamataas na posisyon.." Oo, pinakamataas na posisyon. Kaya para sa ating ang papel sa araw ng halalan eh ang bumoto, maging matalino tayo..
What is it like to be a President?
Naitanong ko 'yan sa sarili ko kanina habang naghuhugas ng plato.
Sa totoo lang, ano kayang feeling kapag ikaw ang naging presidente?
Titira ka sa palasyo tapos daming bodyguards.
At malamang hindi ka magugutom.
Hindi ka mapapagod, mai-stress lang.
But knowing that there are lots of serious problems, hindi mo na siguro magagawang ngumiti kung gano'n. Kabilaang batikos ang matatanggap mo kapag nanuod ka ng TV at nakinig ka ng radyo. Tapos lahat ng nasa paligid mo, plastik. Yan, malamang yan.
Parang hindi naman masaya. Masaya na ang simpleng buhay.
Pero dahil nga may mga sugapa sa kapangyarihan at may naimbento ang tao na salitang Presidente, then let's make the most out of it. Maglagay tayo ng uupo doon.
"At bahala na siya."
Yan ang sabi ni Aling Melda kahapon sa akin.
Bahala na ang susunod na presidente.
Gusto kong sigawan si Aling Melda kapahon sa sinabi niya.
Ganyan tayong mga Pilipino!
"Bahala na lang siya. Kaya na niya iyon."
Hindi ba dapat, tayo ang tutulong sa kanya.
Hindi ba dapat, tayo ang maging dahilan para lalo niyang pagbutihan ang trabaho niya.
Hindi ba dapat, ipakita natin ang suporta natin kahit papaano.
"Kaya mo yan!"
Minsan ba nasabi natin ito sa kanya.
Hindi.
"Bumaba ka na! Wala kang kwenta!"
Iyon lang ang madalas nating sabihin sa kanya.
Sana sa susunod, may magawa naman tayo para tulungan siya.
Tao siya, hindi siya alien.
Tulad mo, nagpe-facebook din siya.
Ay! Haha..
Kasi, sabi nga ni Papa Hwarang Yushin, "Kung papipiliin ako, gusto kong maging kuko ng dragon kaysa maging ulo. Ako ang magsisilbing lakas at pag-asa niya. Sa akin siya kukuha ng lakas para magawa ang mga naisin niya." O diba?
Yan ang mga natutunan ko sa kakanuod ng Queen Seon Deok.. :D
Gusto ko ng Presidenteng..
alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang Pamilya.
Naranasang masaktan, pero paulit-ulit na nagmamahal.
Naranasang magnakaw at nahuli.
Naranasang magsinungaling para sa ikabubuti ng iba.
Alam kung anong pakiramdam ng magutom.
Umiyak dahil kailangang huminto sa pag-aaral.
Naglakad sa kahabaan ng Edsa para maghanap ng trabaho, at paulit-ulit na masisante.
Naranasang magkasakit at walang pambili ng gamot.
Isang taong naabuso pero lumaban.
Isang taong nalulong sa droga pero nagawang magbago.
Isang taong nakakain na ng pagkaing relief goods.
Isang taong walang sariling lupa para tayuan ng bahay.
Isang taong nagpapakahirap magtrabaho sa ilalim ng init ng araw.
Naranasan nang hindi sumunod sa batas..
Isang taong marunong matuto sa mga pagkakamali.
Isang taong nasasaktan,
nagmamahal,
nangangarap.
WALANG PERPEKTONG KANDIDATO..
PERO LAGING MAY PERPEKTONG BOTO. :)
Kahit na kailan, walang magiging perpektong tao para maging presidente, pero laging may perpektong BOTO. Sa ano mang dahilan, rason o ano pa man, ang boto natin ay sadyang perpekto. When you arrive to the point of choosing this candidate, that means that you put all your trust to him/her. You see a lot of hope and change, simply because you know that your single vote CAN MAKE A CHANGE. :)
Dahil sa simpleng paraan, may magagawa tayo.
Sa simpleng boto, may pagbabago.
At sa pagkakataong ito, boses ng tao ang magsisilbing daan para sa pagbabago.
So pa'no, sama-sama tayo sa May 10. :)
***
It's depressing to know that the great leaders of our country is running taxi cabs and cutting hair.
____________________