Oh mundo? Kamusta mga nilalang mo?
Haha.. ayus din trip ni Mike aka Pungay sa bahay.. sabi niya kasi, "Ate sikat talaga ang Twitter, 'no? Pati sa mga cellphone at TV nababanggit.." Actually, katabi ko nga siya ngayon at nangungulit kung may regalo ba raw ako sa kanya bukas. Birthday kasi ni Pungay bukas, 8 years old na siya.. :)
Balik tayo sa sinabi niya tungkol sa Twitter, nasa twitter nga din pala ako ngayon. Anyway, wala akong pakialam kung sikat ang twitter, ang concern kasi ng post na ito eh gawan ko naman daw siya ng Twitter account! Haha.. Para hindi naman daw siya mukhang nahuhuli na.. Aba'y.. batang ito? Ni hindi ka pa nga maayos magbasa, Twitter account pa? Adik lang..
Uhm, may regalo naman ako sa kanya eh, kagabi ko lang naibalot kasi dapat walang makaalam, ikaw lang blog.. :) Sweet ko 'noh? Pati kapatid ko pinaglilihiman ko, samantalang ikaw blog, walang patumangga at tahasan kong sasabihin na may regalo ako sa kanya.. pero bukas mo na malalaman kung ano. Ang mahalaga, nalaman mong 'meron' akong regalo sa kanya. Langyang yan, ako ba nakakatanggap ng regalo? Dumaan na lang lahat ng birthday ko wala akong maalalang may natanggap ako, kahit isa, kahit sulat, kahit laruan o anu pa man. Kahit pa dumaan ang lahat ng okasyon sa buong taon, wala. As in wala..
Hindi ko din alam kung meron akong ninong/ninang. Hindi bale na, 'wag na kayong pakita.. baka hindi ninyo ma-afford ang hingin kong katumbas to compensate 19 years for not giving me any present! Hmmp!
Actually lang ulit, napapaisip tuloy ako ngayon, kasi talagang wala naman akong natatanggap na regalo tuwing kaarawan ko. Swerte ko na kung may makaalala o mag-aksaya ng laway na bumati man lang..
Siguro ganun lang talaga ang mundo. May nakakatanggap ng regalo at may masipag magregalo. Siguro kaya ganun din ako sa kanila. Kasi hindi ako nakakatanggap kaya I always make it up for them, to give them presents, at the very least. I remember na naman iyong mga panahong wala namang okasyon pero kapag nasa mall ako, lahat ng naiisip kong bilhin para sa ibang tao. Oo, maramot ako sa sarili ko. Feeling ko, it's a waste to spend money for myself, and it's worth to spend thousands of money for other people, because I think I would make them happy. But sad to say, wala na nga akong talent sa pagbabalot ng mga regalo, wala pa akong tastes pagdating sa pamimili ng gifts. Laging mali. Pero tinatanggap naman nila.. walang silang magagawa 'noh? Regalo iyon. Kaya din siguro ganun ako, kapag may simpleng ibinigay sa akin ang isang tao, well appreciated ko kaagad. Minsan nga binilhan ako ng Tita ko ng shirt. Pero.. sobrang sikip! Hehe.. Pero dahil masaya ako, pinilit kong magkasya.. minsan lang makatanggap, lubusin na.. :D
That's the way this miserable life on earth works. May mga nagbibigay, at may mga sadya namang swerte na laging nakakatanggap. Maybe I was born to give.. maybe, dude, maybe.
Teka, parang mahaba na ito ah.. pahabain pa natin. Pansin ko kasi, medyo maiikli ang posts ko recently.
Walang buhay. Walang kwenta. Parang ako.
Yesterday was very tiring. Papayat ako nito kung palagi kong gagawin iyon. Kailan ba ako pumayat?
Sa bahay, este, dito pala.. ako ang pinakamalaki sa mga babae.. tae kasi eh. Hindi ko alam kung bakit nagmana ako kay Papa. O talagang pandak sina Mama at Ludingz? Si Mama, mataba. Si Ludingz naman na panganay ang pinakamaliit. Sabi nila ganun daw talaga ang mga panganay, maliliit. Kami ni Bibz, parang mga matatandang biik.. hehehe.. My size(kapag nasa labas) is an average size for a Filipina.. pero kapag dito sa loob ng bahay, parang ewan lang, bakit parang ang laki ko? Parang ang tangkad-tangkad ko kahit parang hindi naman? Nakakairita na kasi lately. Haha..
(RANTS)
Alam mo ba 'yung kantang Only One ng Yellowcard?..
Only One
Yellowcard
Broken this fragile thing now
And I can't, I can't pick up the pieces
And I've thrown my words all around
But I can't, I can't give you a reason
I feel so broken up (so broken up)
And I give up (I give up)
I just want to tell you so you know
Here I go, scream my lungs out and try to get to you
You are my only one
I let go, but there's just no one that gets me like you
You are my only, my only one
Made my mistakes, let you down
And I can't, I can't hold on for too long
Ran my whole life in the ground
And I can't, I can't get up when you're gone
And something's breaking up (breaking up)
I feel like giving up (like giving up)
I won't walk out until you know
Here I go, scream my lungs out and try to get to you
You are my only one
I let go, but there's just no one that gets me like you
You are my only my only one
Here I go so dishonestly
Leave a note for you my only one
And I know you can see right through me
So let me go and you will find someone
Here I go, scream my lungs out and try to get to you
You are my only one
I let go, but there's just no one, no one like you
You are my only, my only one
My only one
My only one
My only one
You are my only, my only one
***
Wala lang. Una kong narinig ang kantang yan noong.. kailan ba yun? Ah noong 2007. Kinakanta ni Bibz. Tapos na-curious ako kung ano yun tapos pinakinig n'ya sa akin para naman malaman ko. Sa selpun lang pala siya may kopya at pinatugtog niya. Langya, halos masira selpun niya sa tugtog eh. Rock pala. Na-shock ako. Hahaha.. Tinanong ko kung bakit niya kinakanta 'yun. Sabi niya kasali daw sila sa Battle of the Bands sa school. 4th year siya noon at 1st year college naman ako.. Tinanong ko siya kung bakit naman 'yung kanta pa na 'yun ang napili nilang gamitin. Kasi sa pakikinig pa lang ng kanta sa selpun niya.. NAKAKASIRA NG TENGA AT HINDI KO MAINTINDIHAN ANG LYRICS!.. Ang sagot niya, maganda daw 'yun kapag ni-perform nila. For sure winner sila. Weh? Hindi ako naniwala noong una, pero inimbitahan pa din niya ako na pumunta, tutal naman daw imbitado lahat ng Markian's kasi doon din ako nag-high school. So I gave it a chance, kasama kong pumunta mga high school friends ko.. And the rest is history na nga at tumalon na tayo sa resulta ng Battle of the Bands. Hindi ko na din maalala kung anong pangalan ng ginawa nilang banda-bandahan para sa Battle of the Bands noon. Basta ang resulta? Champion sila! Hehe.. Hindi ako makapaniwalang bongga ang kapatid kong iyon. Lakas ng confidence niya na parang hindi mapagkakamalang kapatid ko siya. Pero mas bilib ako sa drummer, galing! Hindi ko makuha kung saang parte ng buhay niya natutunan ang ganun. Bongga ang over-all package nila. Syempre, magaling din kapatid ko. Hehe.. masyado bang proud? Kasi naman, hindi naman laging may ganun sa buhay. Hindi din lahat sumasali sa ganun at mayroong ganoong klase ng confidence on stage. Kung ako 'yun, mauutal pa ako..
Teka nga pala ulit. Thank you sa mga nagko-comment. Kunwari madami. Natutuwa naman ako kahit papaano may nagagawang mapadaan dito.. Salamat kay
Mr. Axel sa mga comments.. :)
Mabuhay ka! Yahooo.. :))
Anong oras na ba? Kakalibut-libot ko sa mundo ng cyber space, hindi pa pala ako naghahapunan?
Tsaka 'yung alaga kong halaman (kunwari nakatamin sa lupa) mamamatay na rin yata. Nalimutan (o kinalimutan) kong diligan, last week pa. Nasa vase kasi, kaya nakakatamad. Tsaka, walang lupa sa amin. Kaya hindi ako Nature Lover, siguro dahil sa katotohanang walang puno at lupa dito sa amin. Bato at semento, meron pa. Kaya kung gusto mong maglagay ng garden, if not hard, it would be impossible. Nasobrahan sa pagka-commercial ang Las Piñas. Minsan nga, nangarap ako na sana may dagat dito.. asa pa ako 'noh? O kaya medyo madaming puno.. mga sampung pirasong puno pwede na. Masasabi ko ng nasa probinsya ako.. Ahaha.. Sabik lang!Ü
Nga pala. May kasalanan ako. Iyong center table na gawa sa narra.. nabuhusan ko ng alcohol kanina! Patay na naman ako kay Mang Al bukas. Pabaya kasi ako.. ayan. Hindi matanggal ng tubig kahit punasan. Nag-iba 'yung kulay ng kahoy at varnish lang makakaalis n'un. Hayy..
Nakakainis din pala kasi si Ludingz, bumili ng pocketbook, sa katangahan, walang wakas? To be continue ang drama ng pocketbook na 'yun. Saan naman kaya niya mahahanap ang karugtong n'un?
At bago matapos ang araw, umalis din si Tita Brati. Ayan huh.. binanggit na kita dito dahil for sure, hindi ka naman matitisod ng blog na ito, kahit adik ka sa net. Ayoko talaga sa'yo! Bakit ba kasi kaibigan ka ni Mama? Lakas din ng loob mong alipinin mga kapatid ko! Hmmp.. pasensya na, hindi ako nice sa mga bisitang feel at home.. :)
Wahh.. tama na nga yan. Ganda ng mood ko weh..
Oks na ako. Nakita ko na ang crush ko. Naayos ko na din si USB. Nakakain ako ng lumpia.. ano pa ba? Napakinggan ko boses mo.. uyy.. sana nga lang tao ka. Kasi alien ka! Pa'no ba yan? Hindi tayo bagay, for humans lang ang beauty ko.. :D
Tsaka cute din pala si Daddy kapag black ang kulay ng buhok? Pansin ko lang. Kasi feeling ko alien mga dilaw ang buhok.. nyaha! :p
Oh siya.. masayado na yatang mahaba ito..
bukas na lang ulit. Naikwento ko na yata lahat ng pwede kong masabi sa isang estranghero.. ^^
Ay.. ay.. April 14 na pala.. umaga na. Mauna na akong bumati kay Mike ng Happy 8th Birthday! Lalabs ka ni ate kahit saksakan ka ng katamaran.. naalala ko lang kasi na 1:09 AM ng April 14 siya ipinanganak.. kaya bumabati na ako.. I love you.. :)
I postpone death by living, by suffering, by error, by risking, by giving, by losing.
- Anais Nin
____________________