28 February 2010

Leaving my Comfort Zone

Mula kahapon, nagtry akong magbasa ng ibang mga blogs. Ay, parang mali, nagbabasa na pala talaga ako noon pa pero hindi ako nagko-comment.. Nagkataon kasi na may nabasa akong post at talagang gustong-gusto kong magcomment! As in. Kaso, may kaso eh.. walang comment link. Wala talagang lugar para magcomment! Bad trip naman, kung kailan gusto kong magcomment, saka walang comment link..

Naging tamad na ako mula noong ma-delete ang Multiply account ko last year lang. Doon, naging bahay ko iyon. masipag akong magpost ng kung anu-ano at may mga friends ako. May masisipag din magcomment at ganun din ako sa kanila. Pero isang araw, hindi ko na ito nabuksan at wala raw nage-exist na Chughi (Multiply ID ko). Ganun na lang ba yun? Mula noong 2005 inalagaan ko ang tinatawag kong second baby.. syempre, first baby ko ang si friendster.. :)

Ganun na nga lang yun. Biglang nawala. Sa paghahanap ko ng kasagutan sa masalimuot na pangyayari ay na-hack daw ito marahil at binura.. ayon na rin sa corresponding email nito.. Una, binago ang password, tapos pagkaraan ng ilang araw. tuluyan na itong binura. Nagtataka lang ako, kasi hindi man lang binago ang password ng email? Kaya pati iyong email address na 'yun, iniwanan ko na din. Madami naman pwedeng gawing email ID.. pero 'yung mga posts ko dun, wala na. And then I finally left Multiply..
Alam ko marami namang mas maganda pa sa Multiply.. may mas magagandang features.. may mas functional na customize section pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makapag-move on sa Multiply ko..

Until last December, nginitian ko na din si Blogspot.. ^^
Trip ko lang ulit gumawa ng mapagkakaabalahan. Pero.. hindi na ako magko-comment. Hindi din ako masyado nagbabasa, at kung maaari ay ayokong makipagusap sa kapwa blogger.. Ang main purpose ko pa nga dito sa blog na ito ay magpost lang at kung pwede, walang magcomment.. ayokong makipag-communicate sa ibang tao, dala na lang siguro ng nangyari sa dati kong blog. Basta ayoko..

Pero hindi pala maganda.. hindi masaya.. I'm not a big fan of having comments on my posts. Wala akong pakialam kung may mag-comment o wala. Basta magpo-post ako ng kung anu-ano.. Hanggang kahapon, gusto ko talagang magcomment sa isang post ng isang blog.. At mula kahapon parang gustong-gusto ko na ulit ibalik ang dating 'fire' sa pagba-blog ko..

Hindi naman ako kasikat-sikat..
wala 'atang ganung klaseng bagay sa mundo ng blogosperyo..
walang sikat na blogger..
may sikat na blog lang..
naniniwala ako sa bagay na 'yun..

I'm starting to gather links na rin. Masyadong matamlay ang Pahina Ko.. walang links.. (tigang?)

Every one is welcome here.
You may read everything as long as you want.
You can also put a comment if you want, too.

I'm going to put featured blogs that I find interesting to read.. :)
Tsaka, magpapalit ulit ako ng layout. Ako na mismo nakapuna..
Parang nagluluksa eh.. hindi masaya..
eh dapat layout pa lang.. happy happy na! :D

Salamat sa nabasa kong post.. nabuhayan ulit ako.. :))

_____________________ 

27 February 2010

May baby na sila!


Grabe naman talaga ang mundo. Parang kailan lang, painum-inom lang ng alak, tapos ngayon may baby na sila! Si ate Tin-tin ang aming kasambahay na naging nobya ni Manong Tony ng Jack 'en Jill. Dahil lamang sa gabi-gabi nitong pagbisita sa aming bahay, madalas magkayayaan mag-inuman sa labas ng bahay at kung minsan, matinding videoke ang ililibre ni Manong Tony. Matagal na naming kapitbahay si Manong Tony, samantalang dalawang taon na naming kasambahay si Ate Tin-tin na mula pa sa Bicol. Naisip ko lang na pwede itong gawin blog post dahil itong balitang ito ang nagpasaya sa akin buong araw.

Nakakatuwa kasi parang kailan lang. Nagpupustahan pa ang dalawa kung kailan uulan at kung may tindang yelo si Aling Melda o kung bakit sa madaling araw lang nagbubukas ang tindahan ni Aling Linda (tindahan pagliko sa Faith St.). Tapos ngayon, may baby na sila! Wala nga lang akong picture ni baby. Pero nagprisinta na akong maging ninang. Sana naman this time maging ninang na ako, wala pa din kasi akong inaanak...

Ang picture na nasa itaas ay kuha ko sa isa sa mga inuman sessions nila noong 2008 pa sa aming bahay. Medyo blurred lang. Ginawa ko pa nga itong desktop wallpaper for 5 months! Hahahaha..

Nakakamiss ang videoke natin noon.
Walang katapusang boy bawang..
Isang baldeng yelo..
Porksilog ni Aling Melda..
Wire tapping ni mongol..
Lobo sa penoy..
Hopia ni bukayo..
at kung anu-ano pa..
Sorry na lang kayo, hindi ninyo ako mapainom! Hahahaha.. :)

_____________________

26 February 2010

Matutulog na ako!!!!!!!!!!!!!!!

Kahit anong gawin ko, ugong na lang naririnig ko sa pesteng headset na 'yun. Gusto kong manuod ng Joan of Arcadia, eh paano ko naman mapapakinggan? I hate times like this. Gusto ko na din sumulat sa Studio 23. Diba mga foreign shows ang pinapalabas nila dun? Kahit sa madaling araw pa nila ilagay ang timeslot ng Joan of Arcadia, ayos lang. Mapanuod ko lang.

Dayyyymmmmnnn!
Inaantok na ako. Pero ayokong matulog.
Ayokong matulog.
Ayokong matulog.
Ayokong matulog.

Tomas, Eli, Pungay, Tracy, Kyle..
I miss you mga pare..
pasensiya na kung napaka-bastardo ko. Hehe..

Teka.. let me share to you something you don't wanna know.. hahaha..
I'd never ever write, type or even say the word LOL. 'Yung Laughing Out Loud.
Kakatawa kasi pati nanay ko may 'LOL' sa text. Adik lang. :D
I say 'lol'. Alam niyo na 'yun. Expression lang. People thought it was LOL (laughing out loud) when I mean 'lol'. Ahahaha!

Back to Joan of Arcadia..
I love Chris Marquette. Again, I don't think you wanna know why.
I just love Chris Marquette. I still remember the VHS tape my Auntie send to me when I was 7 years old.
Nagrecord siya ng mga tv shows sa states at pinapadala niya sa amin. That was the first time I saw Chris Marquette. I forgot na 'yung tv show pero I still remember 'yung isang commercial niya na na-cover din sa record.. cute niya, parang si Medyas lang! :)
*malandi kang bata ka!

Whatta bastard. Not you, it's me.
Oh siya. Matutulog na ako. Gising na si Dora..

I'm coming to Dreamland.. :)
There, I have so much friends!
The good one, the evil one, and the bastard one like me..

P.S.
Hindi dahil tinanggihan ko ang alok niyo, ay nagpe-pretend na akong normal.
Alam ko kung ano ako. Tulad mo, maluwag ang turnilyo! :D
Kyle would never come back, so me too..
I'm sorry. Enough Institution. I'm so sick of that!

_____________________ 

25 February 2010

One Day I Was..

I woke up one morning and I just knew..
That C R A P like this is U N D E R R A T E D.

One day you'll realize it.
One day you'll read this.
One day you'll understand why..
I was like.. that way.

One day.
Cheers to all the bloggers! :)

_____________________
LAS PIÑAS

METRO MANILA MAP








Gusto ko lang linawin ang isang bagay na ito. Hindi ko lang kasi talaga maintindihan kung bakit hindi kayang i-disassociate ng mga tao na hindi na bahagi ng Rizal ang Las Piñas. Ito ay naging bahagi lamang 'noon' at hindi na 'ngayon'. Paglilinaw lamang po. Walang masamang chuva. Eh kasi naman, madami ng pagkakataon na halos mapadpad ako sa Rizal ng wala sa oras dahil lamang sa hindi ako pinaniniwalaan na ang Las Piñas ay nasa SOUTH. Ano ba? Mula ng magka-isip ako eh hindi naman ako naging mangmang sa pagtingin sa mapa ng Pilipinas. Lalo na sa Metro Manila Map. Nasa South ang Las Piñas, malayo sa Rizal na dating parte nito.

Ang Las Piñas ay Las Piñas, ang Rizal ay Rizal..
Tapos may isa pa..

Live Traffic Feed
  Las Piñas, Rizal arrived from search.mywebsearch.com on..


 Eh parang ganun lang..
Yan lang naman ang ilan sa mga pagkakataong hindi ko maintindihan..
Kaya pakiintindi na lang..

_____________________
Why did you have to leave me?

Pesteng yan. Bakit ngayon ka pa mawawala? Kung kailan mahal na kita? Kung kailan naman sobrang halaga mo na, saka ka lilisan? Ganun na lang ba iyon? Walang paalam?

Wala akong pambile nang kapalit mo.
And I can't afford to risk my feelings - replacing you!

Kung bakit kasi ugong na lang naririnig ko sa'yong headset ka!
Paano na ako makakanuod ng mga dina-download ko?
Hindi pa tapos 'yung JOA! Paano ko na maririnig ang tinig ni Adam Rove?

I'll miss you..

_____________________

24 February 2010

Oo na!

Ako: Bakit ba ang kulit mo? Huwag kang mag-maganda. Hindi ka maganda!
3-year-old girl: Ganda ko!
Ako: Hindi!
3-year-old girl: Ganda ko!
Ako: Panget mooo...
3-year-old: (iiyak na..) Ganda ko! Away mo ako!
Ako: Oo na! Maganda ka na kahit hindi!
3-year-old: weh?

kita mo 'to. Sarap sapakin!

_____________________




Joseph Gordon-Levitt and Zooey Deschanel


_____________________

23 February 2010

That's not inspirational. That's suicidal.

_____________________
Fleeting moments... meets...
The Best Unsaid...

Don't..
Never pull that to me, okay?
I just can't do this anymore.
I may just.. you know.
But I won't do that.
Trust me.

It's about markings, it's not Santa Clause.
You will always be my fourth calling card.


_____________________

22 February 2010

Hindi mo lang alam..

...na may mga taong nagbibigay ng sobra-sobrang panahon para lang maging normal..
...habang ikaw, nagpapanggap na hindi.

_____________________

21 February 2010

Sub-defective.

_____________________
Insanely..

hirap.
pakamatay na lang kaya ako?
nasa harap ko na si keyboard.
di ko naman nagawa ang dapat gawin.
di ko natahip.
natuod ako bigla.
kawawa.

_____________________

20 February 2010

"Why make something disposable like this when you can make something that last forever, like that."


Which is why the next six words changed everything. 


"I've never told anybody that before."

_____________________

19 February 2010

illness.

I'm sorry to say this for the fourth time.
Sorry, myself.
Why on earth do I still feel this sort of hellish illness?
After a month or two.
I would just disappear.
Disappear.
Then, would come back..

with another outlet.
Sucks, like life.



_____________________

Getting Older...

I'm only 19, dude. Don't make me feel like an old woman who just hangs around. Suntok gusto mo? :D

What is it like to grow old?
Mas gugustuhin ko pang tumanda na lang, kesa sa madedo agad.
Ano namang silbi kung madededo ako agad?
Dami pa akong pangarap.

Tsaka, inaantay ko pa yung discount sa mga jeep, 'no!
Yung mga 'freebies' kapag tinawag na akong 'senior citizen'.. :)
O kaya, 'inang'.. o kaya yung mas malala na 'lola'..

Wala lang. Naisip ko lang. Langya, hindi lahat umaabot sa 50 years old. Para nga sa akin, ang middle age eh, 25! Seryoso. Anong akala mo sa panahon ngayon? Swerte mo na kung umabot ka ng kinse na malinaw pa mga mata mo. Kaya naman, sana, mas humigit pa ako sa singkwenta. :)

Ate ko kasi, labu-labo na ng paningin. Eh mukha ngang toddler pa ang timang, kung maka-asta kapag nagbabasa e parang kayli-liit ng mga letra..

tumatanda na kasi..
pati ako..
tumatandang walang pakinabang..
oki lang.
Basta ba tumanda.
Hindi yung madedz agad.. ^_^

_____________________

18 February 2010

Ikaw

Ngayong araw na ito sana magma-marka ang ating dalawang taong pagsasama.
Hindi-hindi ko malilimutan ang araw na ito, dalawang taon na ang nakararaan..
at hindi ko ipagkakait ang isang post para maging bahagi ka ng aking pahina sa mundo ng cyber world.

Asan ka na kaya? Sa mga oras na ito? Alam mo ba ang petsa ngayon? Maalala mo pa kaya? O sadyang pati ang araw na ito ay tulad na lang ng mga ordinaryong araw sa isang taon?

Nakaka-manghang isipin na ganun na pala ang layo natin sa isa't isa..
Parang kailan lang. Parang nandito ka lang. Tapos... tapos sa isang iglap, kailangan mong mawala..
ng biglaan.. at walang paalam..

Naaalala mo ba iyong huling araw na yun? Sobrang saya pa natin. Na parang atin ang mundo. Na kahit anong gawing desisyon ko, lahat aayon. Pero bakit ganun? Bakit kailangang may ganun?
Sa lahat ng tapat na damdamin..
Sa lahat ng busilak na hangarin..
Iyong totoo pa ang dapat masaktan?

Alam mo bang nag-antay ako noong miyerkules ng hapon sa tawag mo? Lumipas ang buong maghapon, wala kahit isang mensahe. Naghintay ako hanggang kaarawan ko. Gusto kong maging panauhin ka sa pinakaimportanteng araw ng buhay ko.. Hanggang gabi naghintay ako.. Hanggang sa  nagdesisyon na akong tumawag.. 

sana pala hindi na ako tumawag.
sana pala, hindi na ako nagbakasakali pa.
Wala naman din ng patutunguhan pa.
Wala ka na. Kinuha ka na niya

Ang bilis.. Sana man lang, nagpaalam ka na hindi ka na makakapagpatuloy sa buhay. Para naman handa ako. Hindi ganito..

Kung buhay pa ang cellphone mo noong mga panahon na yun, malamang, Inbox full ka na..
Kung naririnig mo lang sana mga panalangin ko noon, maaawa ka kaya sa akin?
Pero alam ko.. alam ko noong gabing yun sa ospital, nandun ka lang.. nararamdaman ko..

Kahit nasaan ako, kasama ang munting alaala mo..
sa tabi ng cowboy grill.. sa gilid ng tambayan.. sa tapsihan.. sa gabi-gabing tawagan..
hindi ko alam kung dapat ba kitang sisihin dahil ganito na ako ngayon.
Hindi ko alam kung paano.. paano mo sinira ang buhay ko..

O kung paano nasira ang buhay ko ng kailangan mong mawalan ng buhay....
at ako kailangan magpatuloy nang mag-isa..


****

"I suppose that you'll be leaving but I want you to know
Part of you stays with me even after you go." 

****
"In that moment the earth made no sound
But you were there
You helped me lift my pain into the air
..."

_____________________
God is Good..

...all the time.
All the time...
...GoD is good.. :)

_____________________

16 February 2010

Isang bagay na masasaktan ka ng sobra-sobra kapag sinabihan ka ng ganun..

Haba naman ng pamagat na yun! HA HA..
kanina kasi sa labas ng bahay namin may nagsisigawan, literal na nagsisigawan, pero hindi naman sila galit sa isa't isa. Alam mo naman na ganito dito sa Pinas! Ang tahimik ng street namin tapos ganun ka-walanghiya yung bagong kapit-bahay namin. (i-tsismis ba raw?)

Tapos biglang..
"Wala ka kasing puso! Hindi ka nakakaramdam! At isa pa ang tanga-tanga mo! Hindi ka na nga makaramdam, hindi ka pa nag-iisip!"

and the rest of the war is history na nga. At ako, ayun, deadma lang. Sarap nga lang batuhin nung bintana nila. Napag-isip-isip ko tuloy, ang sakit nun ha! Yung sinabi nung kapit-bahay namin sa kung sino man ang tumanggap ng mga salitang iyon. Para sa akin, iyon na siguro ang pinaka-masakit na maririnig ko sa ibang tao.

Alam kong saksakan ako ng panget..
Hindi din naman ako kasing-bait ng mga anghel..
Hindi ko din kasing-talino ang valedictorian namin noong High School..
At totoong deadma ako sa mga bagay-bagay sa mundo..

Pero hindi ibig sabihin nun ay..
hindi na ako marunong makaramdam..
at higit sa lahat, nag-iisip ako..
kahit pa-paano.. :D

imagine?
Habang nasasaktan na ang isang tao, marunong pa din tayong magtago ng nararamdaman..
kahit na minsan ayaw mong makasama ang kapatid mong makulit, kapag umuwi siya ng gabi na, hindi mo maikakailang hindi ka nag-aalala..
At habang pinipilit mong isipin lahat ng kinabisado mong Elements sa Chemistry, hindi mo pa din naipasa-pasa ito, pero hindi ibig-sabihing hindi ka nag-isip..

mga tao nga naman..
ang bilis humusga..

_____________________

15 February 2010

It wasn't raining when Noah built the ark.

_____________________
PBB Double Up

Hindi talaga ako mahilig manuod. Susko naman, wala talaga sa sistema ko ang manuod. Isang bagay na d'yan ay ang hindi ko na matandaan kung kailan ako huling humawak ng remote control, ni hindi ko na din matandaan kung paano ito gamitin. sa pagkakaalala ko kasi may pipindution munang button bago pindutin ang gusto mong chanel. Problema ko pa noon ang remote kasi hindi ko maintindihan ang mga nakasulat dito, back in 2008. At isa pa, hindi ko na din matandaan kung kailan ako huling nagsaksak ng telebisyon sa outlet.

Pero halos magbago ang mundo ko ng madaan ako sa Studio 23 noong.. hindi ko na maalala ang petsa. Nagkataon na napadpad ako sa sala at walang nanunuod sa tv kaya sinadya ko nang magpipindot sa remote. Studio 23 ang pinupuntahan ko parati. First instinct ko na yata yun. Tapos, palabas pala noon ang PBB Double Up, I admit, wala akong kilala magmula sa pinaka-unang season ng PBB. Pero nang dahil kay Jason at Melai. Sabi ng kapatid ko, rewind na lang daw yung episode na yun. Tungkol kasi yun kay Jason noong magtapat siya ng kanyang pagsinta kay Melai! Nakanang.. :D


Nakakakilig na nakakatawa na nakakaexcite!
and as of this writing..
nasa kabilang Tab lang ang website ng PBB Double Up, at ako.. pangiti-ngiti lang sa nababasa doon.
*kilig!

Nakakatuwa sila.
Sa pagiging totoo ni Melai sa loob ng bahay ni kuya.. at ang paninindigan ni Jason sa kanyang nararamdaman.
Sila na nga yata ang sweetest couple last Valentine's!
At para bang bukod kay Jason Mraz.. gusto ko din silang makita sa personal! :)

Si kuya nga naman.. di mo aasahan ang magagawa..
I wish them sooooo much happiness and blessings!
**kinikilig ako ! hahaha.. ♥

_____________________
 Eksena sa Jeep: Part II

Hindi ako mapili pagdating sa mga Jeep. Ke masikip o walang tao, basta papunta o dadaan sa patutunguhan ko, sasakay ako. Kaninang tanghali, inutusan na naman ako ng aking mahal na ina na bumili sa Uratex. 'Yun lang naman ang ipinupunta ko sa Alabang. Ano naman ba kasi ang gagawin ko sa Alabang, aber? Tapos, noong pauwi na ako, punong-puno na 'yung Jeep, wala na halos maupuan. Pero dahil gahaman si mamang drayber sa pasahero, hayun ako, pinagsiksikan ang sarili na makaupo kahit na alam kong isang pisngi lang ng pwet ko ang makakadama ng ginhawa at kabila ay mangangalay. Heto na ang senaryo, nasa kalagitnaan na ng byahe ng may bumaba at sa hanay iyon kung saan ako nakaupo. Aba, ang mga hinayupak nga namang ibang pasahero, nagpaka-sitting pretty! Hindi man lang nagawang umusod ng konti dahil alam naman nila na hindi ako makaupo ng maayos. Hindi pa naawa, nagawa pang tumagilid with matching taas ang isang binti sa upuan! Ooo-mayyy.. Marami na'ng bumaba, pero 'yung katabi ko sa kanan at kaliwa eh hindi man lang makaramdam. Pare-pareho lang naman tayong nagbabayad ahh? Pero nagtiis pa din ako, dahil mabait ako. Ayokong mang-away ng tao. So byahe ulit. May magagawa ba ako? Hanggang sa makarating sa malapit sa bababaan ko, nakanang hayuuup ito. Ayaw pa din umayos ng upo? At ng nag-para na ako para bumaba, saka naman umayos ng upo si Jeep-mate! Sarap pabaunan ng sapak eh. Namanhid na lang ang isang pisngi ng pwet ko hanggang nakauwi, nagbayad ng tama at nagtiis, hindi man lang nagawang maawa?
Totoong namanhid ang pwet ko. Ikaw kaya umupo na isang pisngi lang ang nakalapat tapos ma-trapik pa at higit sa lahat may katabi kang madamot.. :\

_____________________

Sana marami pang bintana sa iyong kaluluwa..
nang makita ko naman ang tunay mong nadarama..

_____________________
Himala
Rivermaya

Pangarap ko'y
Makita kang
Naglalaro sa buwan

Inalay mo
Sa aking ang
Gabing walang hangganan


Hindi mahanap
Sa lupa ang pag-asa
Nakikiusap na lang

Himala,
Kasalanan bang
Humingi ako sa langit ng
Isang himala?

Kasalanan bang
Humingi ako sa langit ng
Isang himala?

Pangarap ko'y
Liwanag ng umaga

'Di mahagilap 
Sa lupa ang pag-asa 
Nakikiusap sa buwan

Naglalambing
Sa iyong mga mata

_____________________

14 February 2010

February 14, 2010

Isa ang taong 2010 sa mga taong magkakasabay ang Valentine's Day at ang Chinese New Year.
Anyway..

Ako ay bumabati sa inyong lahat ng..
Happy Valentine's Day!


Maging masaya at makabuluhan sana ang inyong araw bukas! :)
Huwag natin kalimutang batiin ang lahat ng ating minamahal pati na rin ang ating itinuturing na mga kaaway o kahit sino man ang ating makita bukas!
Spread Love 'ika nga nila..

♥♥♥♥♥♥♥


At sa lahat ng ating mga kapatid na Tsinoy at mga Intsik..


Kung Hei Fat Choi !!! :)

Year of the Tiger ang taong 2010 sa Chinese Calendar, pero ano pa man ang mayroon sa pagpasok ng Chinese New Year, sana ay maging masagana ang lahat ng pamilyang Pilipino, Intsik at mga Tsinoy.. higit sa lahat ang lahat ng pamilya sa buong mundo..

Ang swerte ay nasa ating mga kamay.. ^_^

♥♥♥♥♥♥♥

Happy Valentine's Day!♥
and
Kung Hei Fat Choi! :)

____________________

11 February 2010


"... And like go after it with everything you've got,
no matter how much it takes..."


____________________

quotes Pictures, Images and Photos
Quote Pictures, Images and Photos

life quote Pictures, Images and Photos

life is too short Pictures, Images and Photos


____________________-
Post Title

Gaano kahirap para sa'yo na mag-isip kung ano ang magandang titulo para sa iyong post?
At kung minsan ay kung ano ang sasabihin sa post? O kung magpo-post pa.. etc.

Ako, kung ako ang tatanungin, madali para sa akin na mag-isip kung ano ang ipo-post. Hirap lang ako kung ano ang magandang title para sa walang kwentang ipo-post ko. Ayun..

At sa dinami-dami ng pwedeng maging Post Title ay ito lang ang pinapanga-pangarap kong maging Post Title sa aking darating na post.. (Puro post ah?) At ito na nga ay ang..

I was murdered last night.


Yan ang gusto kong maging Post Title someday! :)
No kidding. Seriously, I really wanna post an entry with a title like that.
Pamagat pa lang, madugo na. Actually may isa pa eh.. iyong..


I woke up early the day I die.


Something like that Post Title.. :D
Not the usual crap like, "I had a great dream.. blah. blah. blah.."

When will I use naman kaya ang mga yan? Anong post at kailan?Ü

*****

"Use me as you will
Pull my string just for a thrill
And I know I'll be okay
Though my skies are turning gray.."

____________________
I tried to think but it only gave me headache and stomach disturbance..

Have you ever wondered - or wander.. ☺ kung saan nanggaling ang mga stars?
Hindi?
Oh siya. Oo na. Nonsense na naman ba itong post na ito?
For sure Hindi.. :)

Hindi ko din naman alam kung saan sila nanggaling eh, but the fact that they do exist, there might be a chance for us to know na there's life out there. Out there. Outside this planet. Or maybe life apart from us. And they might also want to know na may iba pang nilalang-organisms-species apart from them. Right? Masayado lang kasi tayong mga tao na paimportante. As if we owned the whole universe. Eh maliit pa sa buhangin ang parte natin sa buong universe, mapa-milky way pa ito o solar system.

Tuldok lang tayo para magpaka-importante na isipin na tayo lang ang may buhay sa mundo.
Hindi din ako hanga sa mga siyentipiko na nagmamagaling na kunwari alam na nila ang lahat. Mula sa kung gaano kainit ang Core hanggang sa kung ano sa tingi nila ang mga itsura ng tinatawag nilang mga 'aliens'.

I hate to say this but this is how the way the world works.
Feeling important.
Not knowing they're (and me) just like any dust in the air.

When I was in my Primary School, teachers usually fascinate us by the prints on the textbooks. The pictures and those set of statements constructed to describe a set of facts that might give you headaches if you dare to read. Then they will persuade us na totoo lahat ng nandoon. Pati mga stars may kanya kanya ng mga pangalan.

I'm not against them. They are smart kung ang paguusapan lang naman natin eh kagalingan sa aritmetik at pagkakabisado ng kung anu-ano. It's just that why don't we just accept everything as it is. We may solve problems naman dito sa mundo kasi hindi naman tayo nawawalan ng problemang artificial. Bakit hindi na lang natin tanggapin ang mga bagay-bagay na talagang out of this world na.

Sinasabi ko ito kasi nagtataka ang isipan ko. Feeling importante tayo samantalang may mga nilalang din naman sa ibang mundo, and that's I'm sure of. Sige nga, saan galing yung stars? Kahit siguro magtanong ka pa sa matalino, mapagiisip ka din sa gabi kapag nakita mo ang mga stars kapag tumingala ka. Saan sila galing? Saan sila gawa? Kung may stars, there might be people out there. There might be whatever out there.

And we might built another paradise out there.
Hindi lang talaga ma-generate ng utak ko kung saan nila kinuha ang kanilang mga datos. Paano nila nasukat ang layo ng isang star. Sa light years ba talaga? Na-feel na ba nila kung gaano kainit sa Core? Kung nasukat nila gamit ng meter,or whatsoeve, nakapunta na ba sila doon? Nakakita na ba talaga sila ng alien? At kung anu-ano pa..

Minsan din kasi paganahin natin ang ating mga isipan..
Minsan din kasi magtanong tayo.

Kahit magbibigay ito ng sakit sa ulo..☺

____________________

10 February 2010

World of Emotions

I just posted a while ago in Twitter.
Then I saw this tweet, a reply on my post..

(@wem_happy)
Hi, @ellebrion! Your tweet has been chosen for #worldofemotions Journal! #we http://worldofemotions.com RT hosting another site! I'm so excited! They really trust me when it comes to designing.. :)

Imagine?
It's was, in the recent history of my emotions.. so far.. So Good! :)
Thank you @wem_happy 'cause you just don't read my tweet, you also made me feel good.

I visited the site World of Emotions and downloaded the Emoticons..
here are some of the Emoticons you can find on the site!




____________________
Heart Attack!

Susmaryosep!
Magkakaroon ako ng heart attack sa mga nababasa ko sa internet!
Heart attack sa katuwaan!
hihi..

Oh.. buhay..
masaya pa din kahit ganito.. :)


"Gonna keep moving on, fly away, breakaway.."

____________________
SOFALAZ

Kahit nakapikit ako, kabisado ko ang bawat sulok nito.
Kabisado ko din ang bawat sira at pilat na una kong nakita sa'yo.
Bawat larawan naging bahagi ka.
Bawat pangarap at luha saksi ka.
Naalala mo ba nung unang nalaman ko na meron na?
Yung unang sugat ko sa tuhod.
Nung nilampaso ko buong pisngi mo.
Bawat alikabok.
Bawat buhangin na meron ka - minahal ko.

At ngayon na kinukuha ka na, wala akong magawa para magtagal pa..

Ikaw lang ang nagiisang bagay sa mundo na naiisip ko kapag pagod na ako.
Kapag kailangan ko ng magpahinga, ikaw ang tinatawag ko.
Kapag kailangan ko ng matatakbuhan, lagi kang nand'yan.
Hindi mo kami iniwan.
Kahit kailan.

Mamimiss ba kita kapag umalis na kami o ikaw ang makakamiss sa amin?
Ayokong mawala ka. Langya, nasa sistema ka na ng buhay ko.
Hindi pwedeng mawala ang isang tulad mo na lumikha ng labinglimang taon ko sa mundo.

Sana magtagal pa. Ayoko pang umalis. Kung alam mo lang.
Pero kung itinadhana na kailangan na namin umalis. tandaan mo, ikaw ang unang bagay na bibilihin ko kapag yumaman ako. Kasama ang iba pang tatlo. Lalabs kita, itatak mo yan!

Sa bawat inuman nina Mang Tony.
Sa kakulitan ni Bunso.
Sa Presinto 5 ni Mongol.
Sa bawat kembot ni Bibz..
at sa nakakabasag na sigaw ni Ludingz..
saksi ka.

Sa araw-araw na nagsama tayo, huwag mo sanang kalimutan na minahal kita.
Kung pwede nga lang kita i-date ginawa ko na.
O kaya itanan?
Edi nagalit sa akin si Kagawad.
Hmmm..

But deep inside this chaotic heart, I know I'll miss you.
You made a living.
A household name.
Hindi kita kayang ibigay na lang ng ganun pero knowing na sa simula pa lang hindi ka na akin, then I have to let go of you.

Just always remember na kami ang pinakamatagal na nakasama mo.
You will always be the best!

***

You're the only place that feels like home.

____________________ 
Dalaw

At sa wakas ay may dumalaw din sa akin dito sa Hell.. :)
Nagawa pa niyang magdala ng suman!
Nakakamiss nu'ng buhay pa siya. Sana kumpleto kami ngayon..
Hayy..


"Broken this fragile thing now.. And I can't, I can't pick up the pieces.."

____________________

09 February 2010

/\/\ust Get Øut

I've been the needle and the thread
Weaving figure eights and circles round your head
I try to laugh but cry instead
Patiently wait to hear the words you've never said

Fumbling through your dresser door forgot what I was looking for
Try to guide me in the right direction
Making use of all this time
Keeping everything inside
Close my eyes and listen to you cry

I'm lifting you up
I'm letting you down
I'm dancing til dawn
I'm fooling around
I'm not giving up
I'm making your love
This city's made us crazy and we must get out

This not goodbye she said
It is just time for me to rest my head
She does not walk she runs instead
Down these jagged streets and into my bed

Fumbling through your dresser door forgot what I was looking for
Try to guide me in the right direction
Making use of all this time
Keeping everything inside
Close my eyes and listen to you cry

I'm lifting you up
I'm letting you down
I'm dancing til dawn
I'm fooling around
I'm not giving up
I'm making your love
This city's made us crazy and we must get out

There's only so much I can do for you
After all of the things you put me through 

____________________ 
My dearest ME..

So what's the latest pack scandal?
I dunno. Don't ask me, 'cause I dunno.

What's 'dunno'?
I dunno.

When would this shit ever stop?
Rants.
Wala.
Kwenta.
I don't know.

I wish naman lahat ng opposites nila.
I'm so sick of telling, I mean, posting nonsense entries here na puro na lang 'Walang kwenta'..
the word itself.

Changing the topic. >>>>
The other door is still close. Would I open it? Or not?
What time na ba? 11:09 AM as of writing.
Silang lahat ay wala. Lima ang nasa labas. Dalawa ang tulog at isa ang gising: ako.

Sa pagbabantay ko dito mula kanina, may tatlo nang dumating.
Isa ang nagbigay.
Aalis kaya ako?
Pupunta ba akong Uratex?
Hindi ko alam.
Natapos ko na lahat ng pwedeng basahin na libro ngayong araw na ito, pero umaga pa lang.
Walang magawa.
Hindi ko naman pwedeng iwan si Sofalaz. Sofalaz has its own life na. Parang batang kailangang bantayan. Kapag hindi binantayan baka kung anong mangyari sa kanya.
I hate it.
I spent almost my 23 months doing these things. Things that I knew from the start na ako lang din naman ang gagawa. Ako lang ang magmamalasakit. Akong-ako lang.

Last night, I told mama if pwede na ba namin iwan ito. Nakakapagod na. Sakit na sa ulo at sikmura. Lahat na yata ng klaseng karamdaman eh tinamaan na ako sa pakikipaglaban ko sa Sofalaz tumagal lang.. tumagal pa na kahit 25 years ulit.
Matanda pa sa akin.
Pero wala ako yung meron si Papa.
I have the talent but don't have that drive..
That drive..

But I'm still here..
Nag-aantay sa wala.
Kung sana hindi ako nagparaya, ako sana ang nasa labas ngayon.
Kung sana ipinaglaban ko ang para sa amin ni Bibz, sana hindi na siya umalis.
Kung sana naging masama akong tao, hindi sana ako miserable ngayon..

Imagine?
Nagpakabuti kasi ako kaya heto ako ngayon, napag-iwanan na lang.
Sa sobrang naging mapagbigay ko, ito pa napala ko?

Mag-isa..
Walang karamay.
Walang kakampi.

***
Pesteng post na 'to..
Sinabi na ngang Change topic, nauwi pa din sa kadramahan!
Hayy..


Nagsisinungaling ako noong sinabi ko na kukunin ko lang iyon hindi na for a living. That I told you I just want only the degree. High hopes pa ako noon. Na akala ko magkakaroon ako ng Bachelor Degree. Pero hindi pala. Other's mind pala iyon.

Tuloy nagdududa na ako kung akin pa ang mga naiisip ko.
Katangahan lang na ipinaglaban ko pa iyon.
kahangalan lang na iniyakan ko pa iyon.

Dahil tanga ako.
Hindi ko naisip na iiwan niyo lang din pala ako.

Hindi bale..
Balang araw kukunin ko din iyon.
Sabay sila para naman maipagmalaki niyo ako.

Maipagmalaki niyo ang tanging taong hindi umalis sa Sofalaz.
Maipagmalaki niyo naman ang tanging taong ipinaglaban kayo kahit hindi niyo alam.

Ang tanging taong mukhang tanga ngayon na nagta-type habang nasa harap ng isang shop na sarado pa ang isang pinto. Na walang sawang nagbubukas ARAW-ARAW. Na walang sawang kumakausap, nakikipag-away at nakikipaglaban.. para tumagal lang.. kahit alam naman nating wala ng patutunguhan.. :)



Nagmamahal ng lubos,
Elleine.

____________________
Campaign 2010

Kaninang 12:01 AM ay nagsimula na ang Official Campaign for the 2010 Election.
So ano naman ang mga aasahan natin?

Malamang ay wala.
Walang katapusang posters, banners and streamers sa lahat ng aakalain mong public places.
Nainis lang ako kasi hindi pa yata sumisikat ang araw ay may walang hiya nang nagdikit ng mukha ng isang kandidato sa labas ng bahay namin, which is by any standard, is a private place. Unless kung bigyan ng consent ng may-ari ng bahay na hayaang magdikit ng mga posters sa particular na bahay.
** Yan ay mula sa inilabas na pahayag ng Comelec kagabi sa balita - na hindi nasunod at mukhang hindi susundin ng mga walang hiyang kandidato.

Nagsasabi lamang po. Hindi ako galit, inis lang.

____________________ 
Jason Mraz Rocks!!!

Nag-concert na ba si Jason Mraz dito sa Pinas?
Kung hindi pa, edi saksakan ng ganda.. :D
Kahit magkano pa ang halaga ng ticket, wala akong pakialam.
Basta mapanood ko lang siya ng live.

Gusto ko siya makita!
I'm dying to see him personally!
Wala lang. Hindi ko siya crush. Hindi din ako nababaliw.
Idol ko siya,

at ako ang Number One FAN niya! ^^,
ipagkalat mo pa! 
ahihi..

____________________ 

08 February 2010

Wala akong pakialam sa mga bagay-bagay nitong mga nagdaang araw. Ang totoo, ang tanging binibigyan ko lang ng importansya ay ang kawalan ko ng pakialam sa mga bagay-bagay sa mundo. At binabagabag ang kalooban ko nito.

____________________
muling ibalik ang tamis ng tinta..

nakatikim ka na ba ng tinta ng bolpen?
Wala lang.
Natanong ko lang at wala akong pakialam sa isasagot mo. :)

kailangan ng kumilos.
Maglinis ng kahon.
Ng Sofalaz.
Ng kahon.
Ng 2nd palace.
Ng saksi.
kailangan linisin lahat.
Tapos papagawa ako kay Manong Sid ng malaking lamesa para masimulan na ang karumaldumal na eksperimento. :D

Oh siya, siya, siya.
babu muna.

Kailan ang uwi mo?
Maawa ka sa kanila, kahit 'wag na sa akin.
kaya ko sarili ko.
Maguwi ka ng burger ha.
Kahapon ng tanghali pa walang ma-digest sa sikmura ko.
Maawa ka naman sa kanila..
Oh.. parang awa mo na!

- - - - ✂ - - - - - ✂ - - - - - ✂ - - - - - ✂ - - - - - ✂ - - - - - ✂ - - - - -  
Hindi ako makapaniwala!:)

Grabe pala ang mundo hanuu? Wala naman nangyayari sa buhay ko pero, heto ako ngayon, nagta-type pa din ng ever-nonsense post. Ang mahalaga may maipost lang. Ganun?

Ganun na nga. Kung wala, edi para sa'n pa ang pesteng blog na ito ng walang kwentang taong katulad ko?
Watta loser. Yeah.

Pampasikip lang sa mundo ng cyberspace.
Pamsasikip sa mga search engines.
Kunwari paimportante pa ang blog na ito. Wala namang mahalagang nilalaman.
As in, wala.
Uneventful.
Wala nga namang mangyari sa loob ng 23 months sa iyo. Ano naman ang maipo-post mo?
Hamog?
Kabaliwan lang ang blog na ito.
Oo. Kaya nga kahit kabaliwan, nagpo-post pa din ako.
Para kunwari may masabi.
Kunwari may entry.
Watta superLOSER.

Walang kwenta ang buhay ko.
Pero never naman naging option ko ang magpakamatay.
Hahantong din ako dun.
Maghintay ka lang.


Walang kakwenta-kwenta.


Ilang beses ko ba nabanggit sa post na ito ang salitang 'wala' at 'kwenta'?
Madami na ba?

WALA AKONG KWENTA.
PAGKALAT MO PA! :)

Oh siya.
Marami pang walang kwentang post ang ipo-post ko dito kaya..
stay tuned! :D

____________________ 

07 February 2010

Ano ang pinagga-gagawa mo sa buhay mo?!

Pesteng mundo ito!
Wala lang.
Trip ko lang sabihin na malala pa sa kulugo at epidemya kung malasin nga naman ang buhay.

Buhay ko.

Buhay ko?
Heto.
NapakaSAYA.
NapakaLIGAYA.
NapakaSWERTE.
'Yan lang naman ang mga bagay na hindi ko makita sa buhay ko.

Wala lang ulit.
Masyado kang tanga.
Masyado kang inutil.
Masyado kang duwag.

Oo. Alam ko. Totoo yan.

Anyway. Wala naman din akong pakialam.
Kung wala akong ginagawa. Kung anong gagawin ko mamaya.
Bukas.
Sa isa pang bukas.
At sa mga susunod pang bukas.

Wala akong pakialam kung Valentine's na.
Kung pang ilan na bang Independence ang meron sa June 12.
O kung anong araw ang January 1 next year.

Ang pakialam ko lang ay kung matatapos ko pa ang librong 'yon.
Librong IYON.
Ang aking buhay.
Dahilan kung bakit nagigising pa ako.
Dahilan kung bakit puno na ng scratch paper ang Durabox ko.
Dahilan kung bakit tanong ako ng tanong ng magandang pangalan.
Dahilan kung bakit may dalawang taong nabubuhay sa loob na IYON.

May dahilan ako. Nakikita mo ba iyon?
May rason kung bakit ako nandito.
Alam mo ba iyon?

Magulat ka kaya kung sabihin ko na iyon ang gusto ko?
Baka pagtawanan mo lang ako.
O baka magtatakbo ka sa takot.
O kaya sabihin mo sa akin, "Lol".

Iyon talaga ang gusto ko.
Nakita mo ba kung paano ko dine-develop iyon sa sarili ko?
Hindi.
Napansin mo ba kung bakit hindi ko mabura-bura ang mga laman sa USB ko?
Hindi.

At naisip mo ba kung bakit gusto kong pumunta sa isang malaking field?
At magipon ng mga damo?

Goddamnit!
Where on earth mo ba mapapansin?!



Enough drama. That is not good for your heart.
Smile. :)
Inhale but do not forget to exhale.
You might end up dead if you forgot it.

Anyway. THESE bullshit TIME is still in my hand.
These. Madami kasi.

Tatapusin ko IYON kahit anong mangyari.
Magkamatayan na.
Teka ano nga palang lugar iyong naisip ko?
Bulacan.
Ah oo, Bulacan. Madaming field doon.

Tae kasi.
Hindi ko man lang alam kung anong tagalog ng FIELD!!!
Hayyyy...

I will.
Because I know I can.
I will.
Because I know it will be my first ever CALLING CARD!
HAHAHAHA.
*baliw*

Grabe pala pagkakaroon ko ng tiwala sa sarili ko.
Sa sobrang nagtiwala ako sa sarili ko.
Kahit isang letra hindi ko pa iyon masimulan!
Magaling ka.
Hanga ako sa iyo 'neng.
Walang kwenta ang buhay mo.. :)


Let's see.
You made me realize that I'm the most Unlucky Bullshit hanging around in the face of this false planet.
Thank you. :)

____________________ 

06 February 2010

Perfect Memory
Remy Zero

Remember how they always seemed to know
We had the forest in our eyes
But the earth was in our clothes
And they thought we'd fall
Not at all

So look back on the treasured days
We were young in a world that was so tired
Though it's not what we wanted before
Even the saints had to crawl from the floor
Summers when the money was gone you'd sing
All you're little songs that meant everything to me

And I'll remember you
And the things that we used to do
And the things that we used to say
I'll remember you that way

Remember how they tried to hold you down
And we climbed those towers
And looked down upon our town
And everything you hoped would last
Just always becomes your past (it hurts)
Summers when the money was gone you'd sing
All your little songs that meant everything to me

And I'll remember you
And the things that we used to do
And the things that we used to say
I'll remember you always

But then this world slipped through my fingers
And even the sun seemed tired
I still cared
As I lowered you down my heart just jaded
In that moment the earth made no sound
But you were there
You helped me lift my pain into the air

I still miss you
God I still miss you
I know that you are waiting there
I always thought that you'd come home

And I'll remember you
And the things that we used to do
And the things that we used to say


If it don't hurt you
It won't hurt me
If it don't hurt me
Then it won't hurt you
If it don't hurt you
It won't hurt me that way

____________________ 
I Will Follow You Into The Dark
Death Cab For Cutie

Love of mine some day you will die
But I'll be close behind
I'll follow you into the dark

No blinding light or tunnels to gates of white
Just our hands clasped so tight
Waiting for the hint of a spark
If heaven and hell decide
That they both are satisfied
Illuminate the no's on their vacancy signs

If there's no one beside you
When your soul embarks
Then I'll follow you into the dark

In Catholic school as vicious as Roman rule
I got my knuckles brusied by a lady in black
And I held my toungue as she told me
"Son fear is the heart of love"
So I never went back

If heaven and hell decide
That they both are satisfied
Illuminate the no's on their vacancy signs

If there's no one beside you
When your soul embarks
Then I'll follow you into the dark

You and me have seen everything to see
From Bangcock to Calgary
And the soles of your shoes are all worn down
The time for sleep is now
It's nothing to cry about
Cause we'll hold each other soon
The blackest of rooms

If heaven and hell decide
That they both are satisfied
Illuminate the no's on their vacancy signs

If there's no one beside you
When your soul embarks
Then I'll follow you into the dark
Then I'll follow you into the dark

____________________ 

05 February 2010








The Invisible

 

Annie Newton: Nick was innocent. I hurt him for nothing.


Annie Newton: Come here little man. Do you know what I want more than anything? Don't be like me... I ruin everything I touch. 


Nick Powell: Day burns down to night, Burns the edge of my soul. In the night I break into sparks of suns And become fires in a dust of bones Night knifes My breath swallows whole my tongue Turn back Reverse return In the night I see the real Concealed in the day's bright lie Eyes stitched shut White teeth smile Sleep walks and talks And feet mark time of day.

Annie Newton: Who's the broken one now?
Nick Powell: You are. Still you.
Annie Newton: What did you say?
Nick Powell: Still you.


____________________ 


Because You are The Best.. :)

You know how much I tried. You know how much I s
acrificed to make this relationship stay long - until I die.
But I just can't find the right words, right words to tell you how much I wanted to be with your side.

Last night. I tried to talk to you. I know you're there, listening to me. Every words, every sorry's, every thank you's, every wish's.. every thing that I told you - it came from my heart. I don't even know if those words would compensate for every loss I made, for every mistake I already had. I guess this letter isn't even enough.

I lost for words when I'm talking to you, you know why? 'Cause I know I don't have to tell it to you 'cause you already know what I wanted to say.

I'm sorry 'cause I've never been a good child for you.
I'm sorry. And that's not even enough.

I'm still trying..
still wishing..

____________________ 
Pebrero na pala?

Eh ano naman ang pakialam ko? Nalagas na lang ang unang buwan ng taon, hindi ko pa din masimulan ang pesteng iyon. Tamad ako. Hindi naman. Walang motivation? Siguro. Malay ko. Ewan.

Kahapon ko lang nalaman sa radio na Pebrero na pala. Ang nasa isipan ko Enero pa. Huling nakita ko kasi ang sarili ko na gising eh noong Enero pa, kaya 'wak kana magtaka d'yan Elleine kung tatanga-tanga ka na naman. Parang walang pinagkaiba noong nakaraang taon. Ako lang pala sa pisngi ng mundo ang hindi nakakaalam na HOLY WEEK na! Kung hindi ko pa napansin na parang matamlay ang kalye eh hindi ko pa malalaman. Mantakin mo ba namang magpunta ako sa mall ng Huwebesanto? Feeling ko pa noon, the whole world.. hindi, whole universe and the mother nature BETRAYED me! Not telling me na Holy week na pala! nagmukha akong tanga.. HA!HA!

Pero hindi pa din nagbago ang inutil kong isipan..
Wala naman kasi akong pakialam sa oras. Sa araw. Sa petsa. Hindi ko gustong malaman ang mga ganoong bagay. Mas naeenjoy ko ang buhay ko kapag ganoon. Masama sa puso ang tingin ng tingin sa oras. Iyong nagmamadali, my hinahabol na deadline, ayoko nun.

Lumipas man ang mga araw wala akong pakialam. Ayoko ng Schedules. Ayoko ng Deadlines o Due dates. Ayoko ng nalilimitahan ako sa mga galaw at dapat kong gawin.

Kaya hindi ako magtataka kung.. kung.. kung.. bukas makalawa.. PASKO NA! :D
hahahaha..

Sabihin mo nang wala akong kwenta, wala naman akong pakialam. Wala na akong kwenta noon pa man.Walang halaga...


















Priceless. Hihihi..













February.
Buwan ng mga Puso..♥
Ipagdiriwang ko ang 'puso' kong nabuhay mula sa malalang sakit.
Huwag berde..
Dinapuan po kasi si puso ko ng sakit kaya dapat lang na ipagdiwang ko ito.. :)



tibok.
tibok.
tibok.
tibok.


♥♥♥

____________________ 

03 February 2010

Feeling numb..

Hindi ko gusto ang amoy sa loob. Hindi lang siguro ako sanay sa amoy doon.
Marinig ko pa lang ang salitang 'lamig', nanginginig na ako..
Masakit na ang buong katawan ko. Hindi na matatagalan ng leeg ko ang sakit..
Mahapdi, makirot, masakit. Mahirap pala talagang magkasakit.

Wala akong gana kumain. Hindi ko din naman malalasahan ang mga iyon.
Wala ding silbi ang dextrose, hindi ko man lang makita ang epekto nito.
Nagugutom na ako. Pero hindi ko kayang kumain - kasi masakit.

Ilang araw pa ba ako dito?
buti na lang may connection dito sa kwarto at nakasingit kay Tita sa paggamit nito..
Pero hindi ko man lang magawang maramdaman ang mga pindutan sa keyboard na ito.
Manhid pa din ba ang buong katawan ko?

Gusto ko nang umuwi..
Hindi ko na kaya dito sa ospital.. :'(

____________________