27 January 2010

My Mental Disorder.. aww!


Schizophrenia
You tend to be very withdrawn. This is because to you the world is a scary place because you are unsure of whom or what is around you. You may hear voices or see things that aren’t there. You are one of the craziest of all crazy. You are so crazy that most people do not even know what to think of you. Sorry but even I think you are beyond help.




** nag-take ako ng What is your Mental Disorder sa Facebook..
    at ito ang lumabas.. Ahem, may tama naman siya..

____________________ 

 Smile
Charlie Chaplin

Smile, though your heart is aching
Smile, even though it’s breaking
When there are clouds in the sky
you’ll get by
If you smile through your fear and sorrow
Smile and maybe tomorrow
You’ll see the sun come shining through
for you
Light up your face with gladness
Hide every trace of sadness
Although a tear may be ever so near
That’s the time you must keep on trying
Smile what’s the use of crying
You’ll find that life is still worthwhile
If you’ll just
Smile

____________________ 
Photobucket


kuha ko yan mula sa isang Advertisement sa kahabaan ng Taft Ave..
isa lang yan sa tatlo o apat na 'parang inspirational quotes' na nakikita nga sa bandang taft..
huminto kasi yong bus na sinasakyan ko kaya nagkaron ako ng chance para mapiktyuran.. :)
galing noh?

If You Fail To Plan, You Plan To Fail..
got the meaning?Ü


____________________ 
Unang sulyap sa telebisyon ngayong taon..

hindi ako mahilig manuod ng TV..
wala din akong pakialam sa mga telenobela, dramarama, teleserye.. at kung ano pang marathon ang meron sa TV - wala talaga akong pakialam. May bago man na reality show at matapos na lang ito, ni hindi ko man lang inalam kung anong kwento o kung sino ang bida. Hindi lang talaga ako big fan ng TV..

aaminin ko na rin. Kahit isang contestant sa Starstruck ngayon ay wala akong kakilala. Ni hindi ko pa napapanood ang Campaign Ad ng mga tumatakbo at iyong pinakasikat mang commercial ay hindi ko pa nasisilip. To tell you honestly, last December 2008 pa ako nanood, iyong Geum Soon ba un.. tama ba iyong ispeling? hehe.. Tamad ako manuod. Wala akong pakialam kung anong merong bagong ipang-e-exploit na balita ng Startalk kay Marian Rivera at kung anong bagong commercial ni Sarah Geronimo. As in deadz lang ako.

Until kanina..
kanina nang nawalan ng DSL itong supah bagal na kompyuter na ito..
So I give TV a chance.. haha.. a chance na makasilip naman kung anong bagong chismis..

at parang nagsawa ako sa mukha ni Sarah. Ilan bang commercial ang meron siya?
Tapos nakakabuang iyong commercial ng San Marino Corned Beef ni Marian at Dingdong..
Iyong Campaign Ad ni Gibo.. haha.. Sulong Gibo!
at kung anong anik-anik pang commercial na ewan ko kung pinapansin pa ng mga tao..
inpernes, mas enjoy ako sa commercial kesa sa mismong palabas..

Nakakainis lang kasi, itong syete mukang ewan lang. Bakit kailangan pang ulitin o i-remake ang Darna at Full House? alam naman na natin ang istorya babaguhin pa?..
what's the point?
to just exploit the shit out of those artists na ewan ko din kung bakit nagagawang umarte para sa malaking halagang pera..

hayyy..
andaming reality shows! sa Starstuck nga eh si Jennylyn at Mark lang ang talagang kilala ko..
sino-sino ba mga nanalo sa Starstruck 2,3,4?
nakilala ko lang si Marky Cielo noong namatay na siya..
Susme.. ni hindi ko na rin mamukhaan ang mukha ng mga dating artista sa dami ba naman nila?
tapos iyong iskandal ni.. haha.. actually, ni hindi ko din makuha ang level kung bakit ganun na lang kabaliw ang kapitbahay namin sa kakakwento tungkol kay Katrina-Hayden-Maricar scandal.. ewan..
ni hindi ko pa din pinapanood kahit merong kopya si Bibz! hahaha..

tamad ako manuod kapag Local..
madali lang naman kasi silang makita..
D'yan lang yan sa tabi tabi..
pero noong nabalitaan kong deadz na raw si Johnny Depp.. pucha! ewan ko.. di ako mapakali..
pero di naman pala totoo..
mas trip ko pang pagusapan ang Haiti Earthquake kesa sa bagong iskandal ng kung sinong artista..
pinoy nga naman..

tapos ang daming artistang naglilipana.. wala naman marunong umarte!
mabubwisit ka lang..
sisigaw sigaw.. tapos iiyak.. kunwari magaling na.. bilib na..
tapos sabay na lang lipat ng chanel kapag umiyak na si Rochelle ng Daisy Siete kasi alam ko.. na habang umiiyak siya.. may direktor sa likod ng camera..

aguy..
mahirap pala talagang manuod kapag ganun.. :|

Mas nag-enjoy ako sa balita..
Bukod sa humataw sa sayaw ang mga Dancing Inmates sa Cebu..
(click the link below to watch the video)
Dancing Inmates

ay may panukala ang mga kabataan sa "NO PERMIT, NO EXAM" policy ng mga pampubliko at pribadong paaralan..

PABOR AKO! DAPAT IPATUPAD YAN.. HINDI DAPAT HADLANGAN ANG ISANG ESTUDYANTE SA PAGKUHA NG PAGSUSULIT DAHIL LAMANG SA WALA SIYANG PERMIT O HINDI BAYAD ANG TUITION NIYA..


ISULONG IYAN..
MARAMING KABATAAN ANG MAKIKINABANG!
DAPAT PAGTUUNAN NG PANSIN ANG BAGAY NA 'YAN..

hehe..
gumaganun pa ako.. :D
anyway..
ang masasabi ko lang..
We don't have to cloud our minds of the things that don't matter, like anong latest fashion ngayong taon, but to cloud our minds of the valid things that's happening around the planet!
Oki?..
practice that.. and we'll all be happy.. :)


____________________ 

Las Piñas City: Pinaka-Trapik na Lungsod sa Maynila




Photobucket
kuha mula sa bus.. :)


Mula pa noong magsimula akong magbiyahe mag-isa papasok sa school, problema ko na nang husto ang trapik sa kahabaan ng Real St. o mas kilala sa tawag na Alabang-Zapote Rd. Pamatay talaga ang trapik dito. Walang sinisino.. maski santo pa, mabubwisit na lang at mas nanaisin pang maglakad na lang kaysa magantay kung kailan babalakin ng pesteng traffic enforcer whatever na pabweluhin ang mga sasakyan. Aabutan ka na lang ng dilim at makakarinig ka pa ng pagmumura hindi lang ng mga pasahero pati na rin ni mamang drayber sa sobrang bagal.. tagal.. at trapik!

Alabang-Zapote Rd.. hayyy.. aktuwali, nalakad ko na yan, mula sa Bacoor kalinisan hanggang dito sa bahay noong nag-Jeepney Strike, Junior na 'ata ako nun. Eh langya naman eh! Kapag umulan, apektado din ang Las Piñas.. 'di naman sa pagmamalaki. Bumaha na ang lahat ng nakapaligid sa Las Piñas pero ang Las Piñas tuloy pa din ang buhay. Hindi kasi dito binabaha, ang masama lang. Apektado lang talaga kami. Sa bandang Bacoor, ayun, aguy talaga. Sobra kung bumaha, as in baha talaga.. lalo na sa Alabang. Lubog na lahat, so ang resulta. Walang magbibyaheng mga Jeep dahil ang ruta kadalasan ng mga Jeep ay Alabang-Zapote-Baclaran and vice versa.

Nang minsang nasa bus ako papuntang Lawton, bumabaha pa ang buong maynila dahil sa bagyong Ondoy, eh nasabi sa isang Local Radio Station na hindi ko na maalala kung anong istasyon ay nabanggit nga ang Las Piñas na pinaka-traffic na lugar sa buong kamaynilaan. Dumadaan din ako sa Edsa, sa Tambo, sa Coastal, maging sa kung saan-saan pang eskinita sa maynila pero walang katulad ang kahayupan ng trapik sa Las Piñas. Naisumpa ko na ang trapik  na yan pero nang kinailangan ko ng maglakad - haler? Maglakad dahil sa trapik.. mula Zapote hanggang dito sa bahay, lahat na 'ata ng pwedeng isumpa, naisumpa ko na. Mauuna ka pang makarating sa Alabang kung maglalakad ka kaysa magantay kung kailan uusad ang mga sasakyan.

Pero mahal na mahal ko ang Las Piñas. Hindi ko makita ang sarili kong tumira sa ibang lugar maliban sa south. Kahit sobrang trapik, kahit malayo ang school, kahit malayo ang Asia Carpet, kahit malayo ang Sharp.. kahit malayo ako okay lang. hihi.. kahit nakakabwisit ang Southmall sa sobrang trapik, sa pesteng Moonwalk na mahilig mangotong mga pulis na lalong nakakabagal sa mga sasakyan, sa sobrang kitid na highway na pati sidewalk dinadaanan na ng mga motorista.. kahit delikado sa SM Center dahil walang malapit na escalator.. ayos lang. :)

kaso talagang nakakainis lang ang trapik.. :|

____________________ 

26 January 2010


____________________

25 January 2010

Nang dahil sa bling-bling ng selpun..

Papaslangin ko na 'yang Dora na yan ehh..
halos batuhin pa ako ng figurine ng nanay ko dahil lang nakipagtalo ako kay Pungay kasi sabi ko na sikat pa din si Doraemon - hanggang ngayon!

Tapos babanatan ako ng "si Dora ang mas sikat.." - sikat?!!
Ni hindi pa nga ako nakakapanood kahit isang episode ng Dora na yan..
hihi.. ay ewan.. hindi pa kasi isinilang si Pungay noong nauso si Doraemon kaya ganun na lang ang gigil ng chuva na 'yon ng ipagdakdakan ko na mas sikat si Doraemon.. Hahahaha..

minsan na nga lang maglagay ng 'bling-bling' sa cellphone eh.. inokray pa ni Pungay.. hmmpp..

____________________ 
Charcoal..

parang kailan lang. parang wala pang isang taon noong umuwi si Charcoal sa Buhol..
ngayon, nandito na ulit siya!
ang bilis ng radar ni Pungay kanina eeh.. naibalita agad sa akin na nandito na ulit si Charcoal sa LP..
buti na lang nakapaligo na ako kundi.. hehe..

kaso hindi na tulad ng dati..
bukod sa may ilaw na sa Sofalaz..
wala na si Bibz..
pinauwi na si Teteng..
may trabaho na si Abi..
at hindi na nagparamdam si Appetizer..
sa tingin ko, hindi na ako maaalala ni Charcoal..

Lunes na pala ngayon, mamaya bago pumasok gusto ko sana siyang makita pero baka hindi naman siya pumasok sa Lobo.. :(

wala ng alas-singko..
wala ng uwian sa Lobo House..
nagbago na kaya siya tulad ng sabi nila?


charcoal.. :(

____________________ 

23 January 2010

"Blogger" sa "Tumblr" nagtaray sa "Twitter"

Minsan lang ako mamansin ng tao.
Kadalasan, iyong hindi ko pa kilala. Kasi 'garapal' masyado ang mga taong kakilala ko - sa akin ha.. kapag binati ko, sila naman iyong parang wala ng respeto sa akin.

Noong January 21.. nagbasa-basa ako ng mga blogs ng mga pina-follow ko.
Binasa ko ang blog ni.. tawagin na lamang natin sa pangalang 'Search Engine' ..
tapos may link ng kanyang Twitter account. So ako naman, nag-follow agad sa Twitter n'ya.
Nag-post ako ng Tweet at binanggit ko siya. Agad naman nagreply si 'Search Engine'..
Ang sabi ko kasi, "@'search engine' hi! pina-follow kita sa Blogspot! nice blog.."
something like that..

tapos ang reply niya..
"@ElleBrion you just made a huge mistake. haha... anyway lubusin ko na, i'm currently more active in tumblr...(his Tumblr URL).. :)))"

I removed na iyong Tumblr URL n'ya sa reply n'ya sa akin..
mukha kasing sensitive siya. haha!
anyway, antaray ng dating sa akin eh!
ayoko lang banggiting kung sino si 'Search Engine' dahil baka mag-rebolusyon ang lolo niyo! hahaha..

nice naman iyong Blogger Blog niya. Masyado lang kasing offensive kasi Blogger User ako. Tapos may ganun? Tsaka sasabihin pa niyang mas active siya sa Tumblr eh may post nga s'ya noong January 21 sa Blogger kesa sa Tumblr. I'm not against Tumblr. I'm just too way sensitive. I'm a Blogger User and I don't care if you're a Blogger or a tumblr user too, or any kind of Blog pa.. sana lang 'wag ganun..


Blogs are the same lang kasi pare-pareho tayong nagshe-share ng thoughts and experience..
I admit reading blogs from different blog site.. but not to the point na ipangangalandakan ko na Blogger user ako kasi for sure most of you won't care.


It's just so offensive, in my part..
that's it..


and that's the way Blogs are all about! :)

and if you realized that you are the one I'm talking about..
Uhm, wala lang, wala na tayong magagawa kasi pipindutin ko na ang publish botton..
but I'm still following you. I found your blog interesting.. sana iyong may-ari din ng blog interesting.. :)))



Ü


____________________ 

20 January 2010

Haiti

grabe.. napanood ko sa YouTube 'yong sakuna na nangyari sa Haiti..
wala naman kasing magandang source na maipalabas dito sa 'Pinas eh kaya naghanap ako sa internet..

Want to help Haiti? Here's how 

 http://ff.im/ez6jf
www.unicef.org


please visit the following links if you want to help, send donations or other interests.

Oh my,, kung may magagawa naman tayo.. makapagbigay sana tayo ng kahit konting donasyon..
mga batang biktima.. hayyy..



- - - - ✂ - - - - - ✂ - - - - - ✂ - - - - - ✂ - - - - - ✂ - - - - - ✂ - - - - -  

19 January 2010


"at madaming paraan para baguhin ang buhay.. 
masyado ka lang tamad para gawin ito.. 
feeling mo kasi ito ang pinakamahirap na trabaho.."


- sabi ko sa sarili ko 

- - - - ✂ - - - - - ✂ - - - - - ✂ - - - - - ✂ - - - - - ✂ - - - - - ✂ - - - - - 
 
Timeless Words

Gusto kong makita ng personal si Jason Mraz.. :D
actually, isa lang talaga sa mga kanta niya ang nagustuhan ko.
Iyong 'The Remedy' .. bukod sa maganda ang lyrics, maganda ang
melody at beat..

tapos naisip kong magdownload ng mga kanta..
wala naman akong maisip na kanta kaya kanta na lang ng mga favorite kong
singers.. So ayun na nga..

You and I both
A Beautiful Mess
Live High

magaganda ang melody! kahit anong oras ng araw pwedeng pakinggan..
lalo na ngayon.. hapon pa naman din.. :)
parang ang sarap magduyan habang pinapakinggan ko yung A Beautiful Mess..
amazing vocals! OMG..

hindi katulad ng mga rock.. haler? trip mo bang makinig ng nakakabasag na tugtog sa tanghali?
hehe.. ewan ko lang kung hindi masira araw mo.. hihi..

sana madami pang mga taong lumikha ng kantang masarap pakinggan..
aminin na natin, hindi lahat ng kanta masarap pakinggan diba?
pero lahat dapat ng kanta naa-appreciate.. it has it's own 'message'..

..and what a beautiful mess..

____________________ 

18 January 2010

Isang taon na daw si PahinaKo?



Maalala ko lang, naitanong ko kasi kanina kung anong petsa ngayon. Akalain mo 'yun? Sa tulad kong hindi man lang maalala pati sariling birthday, nagtanong kung anong petsa ngayon..

At naalala ko din kung anong meron ngayon..

Maligayang kaarawan-anibersaryo mahal kong blog.. :)
Isang taon kana at isang taon na tayong nagsasama..

Sana ay magtagal ka pa sa kalawakan ng internet.
Maraming blog posts, kwento, at kung anu-ano pang chuva ang sana ay maibahagi ko sa pamamagitan mo.
Salamat kasi kahit parang magpapakamatay na ako sa mga isinusulat ko, nandyan ka pa din.
(kunwari tao siya.. )

Sa mga napapadaan at nagko-comment, salamat.
Sa mga nakita kong nagbabasa nito, salamat din.
Sana lang eh may napala kayo.. nyahaha! :D

More posts to come..
Bawal mag-hiatus, hindi uso 'yun..
Keep writing, keep blogging.. ^^

***

It's hard to believe
That I couldn't see
You were always there beside me
Thought I was alone
With no one to hold
But you were always right beside me
This feelings like no other
I want you to know
I've never had someone that knows me like you do
The way you do
I've never had someone as good for me as you
No one like you 
So lonely before I finally found
What I've been looking for..

____________________
Hilig magbura

Naitanong ng kapatid ko kung ilan ba raw ang account ko sa cyberspace..
sabi ko, "Apat lang kinikilala ko.." at bigla niya akong sinamaan ng tingin.
Tingin na parang napakasinungaling ko.. hehe..

Actually, madami akong naging account.. name it na lang..
Pero apat lang ang tangi kong kinikilala. Apat lang ang legal kumbaga. Apat lang din ang official kong account at apat lang ang natira sa sandamakmak na account ko.

Friendster.
Facebook.
Twitter.
Blogger.

Friendster, ang aking unang baby..
Facebook kasi nakikiuso lang talaga..
Twitter, Ahem, nag-eenjoy ako d'yan..
at sa aking mundo.. Blogger, alam mo na iyon..

madami talaga akong naging acoount..
sa Myspace, Multiply, Xanga..
even sa Tumblr, sa mga mail accounts..
Gmail.. Hotmail.. Msn..
at madaming-madami pang iba..
recently lang sa Formspring..

hilig kong nagsa-sign up.. tapos in a minute..
ide-DELETE ko din! haha..
*baliw*

wala lang. naiisip ko kasi wala naman akong gagawin dun.
tsaka nakakasakit sa utak kakaisip ng mga email addresses at ID's..
diba diba?

******

at sa mga nagtatanong ng template..
nagkataon lang din na medyo may alam ako sa tinatawag na HTML..
lahat ng nandito ay likha lang ng HTML..
simple at walang burloloy..

ayun lang para sa mga nagtatanong.. :)

____________________

17 January 2010

Equality

Hindi lahat ng nakikita mo, nakikita ng ibang tao sa paraan ng pagtingin mo sa isang bagay.
Tama diba? Kung minsan, dahil sa pagpupumilit nating ipakita ang isang bagay sa aking sariling 'perspective' - I'm sorry, di ko lang masabi sa tagalog - ay nagiging sanhi ng alitan o hindi pagkakaunawaan.

Tulad nung isang pangyayari sa buhay ko. I-share ko lang.
Lahat ng bata gustong mag-drawing. Lahat. As in, lahat. Makukulay na Crayola, lapis at papel na masarap dumihan. Lahat ng bata - kahit 'di mo na maalala na ginawa mo ito - ay dumadaan sa ganitong stage ng buhay.
Matututo tayong humawak ng lapis. Kanan o kaliwa? Malay ko sa inyo, basta ako sa kanan. Tapos malalaman natin ang pagkakaiba ng yellow sa red, sa nakakalitong violet at purple at sa panirang si magenta.

Ahem, nawala sa isip ko ang pakay ng post na ito.




** after 6 minutes and 17 seconds..

Ayun nga. 5 years old ako ng isali kaming magkakapatid sa Kids for Christ. Wala na akong masyadong alaala kasi bata pa ako n'on. Pero isang pangyayari lang ang tanging alaala ko sa Kids for Christ na 'yon.

Nanalo ako sa drawing contest beating 600+ kids.
Ang aking ni-drawing?
Iyong karaniwang walang kwentang chuva eklavoo ng mga bata na madalas mong makita sa iginuguhit nila na talagang hindi kagandahan.

Sa Sports Complex 'ata ginanap 'yon. Tapos madaming-madaming bata. Basta madami. Puno ang complex. Tapos binigyan kami ng kapirasong papel. Mga half-size ng short bond paper. Tapos, dahil wala akong alam sa kung anong nangyayari, tingin-tingin ako sa katabi ko. Isinulat nya sa upper-left corner ng papel: C-r-y-s-t-a-l -- nalimutan ko na ang apelyido n'ya. Anyway, bukod sa pagdu-drawing, nalaman ko din ang spelling ng Crystal. Hehe. Akong si tanga, kinopya ko, then napagtanto ko na pangalan pala ang ilalagay. Thank God marunong na akong magsulat ng pangalan ko. Nag-saling-pusa 'ata 'to! hahaha.. sa ate ko n'ung kinder s'ya.

Tapos binura ko 'yong pangalan n'ya at nagsimula sa likod. (tanga kasi ako nun)
Tapos the rest is history na. Ang nakakapa na lang ng isip ko ngayon habang tinatype ko ito eh, tinawag ako sa harap ng isang matabang mama na may hawak na mic. Tinatanong niya ako kung ano daw ang iginuhit ko at kung maaari ay ipaliwanag ko. I can still recollect the exact words I said. It was like everybody was listening to me and that moment, I felt I was so significant. Not knowing, I already won the contest.

Makikita sa drawing ko na hindi ko talaga maipapakita dito dahil wala na sa aking ang original drawing, na may apat na taong nakatayo sa bandang kanan. Nakahilera sila na parang class picture. Sa kanang dulo (sa drawing ko) nakatayo ako, si Ludingz, si Bibz at si Mama. Bigla akong tinanong ni mamang mataba kung bakit walang 'Papa'? Mabilis naman akong nakasagot. Ang setting kasi ng drawing ko ay tanghali. May araw at clouds, kaya wala si Papa kasi hindi ko na siya nakikita 'pag uuwi na siya galing sa shop. Tapos kapag aalis na siya, hindi ko din siya naaabutan kasi maaga siyang papasok sa shop niya. Kaya wala si Papa sa drawing ko. Tapos sa bandang kaliwa ang bahay at puno, simbolo ng bahay namin at ang nagiisang puno na nakatanim sa unahan ng bakuran namin. And the rest - again - is history. Lumaban ako sa kung saang mga contest.. hanggang malimot ko na, na gumuguhit pala ako.

Gan'on lang ka-simple ang drawing ko. Walang ek-ek na makikita. Pero proud ako noong mga oras na 'yon dahil nanalo ako. At sa tuwing naaalala ko, proud ako sa isang bagay - noong mga oras na iyon, hindi tinignan kung maganda o hindi. Walang husga o panghahamak sa iginuhit ko kahit napaka-simple lang naman.

Sana lahat ng tao ganoon.. hindi kinu-kwestiyon ang mga bagay-bagay..
sana lahat ng tao ganoon.. hindi gumagamit ng 'Label' .. ng 'Type' .. ng 'Category' ..
kasi naniniwala ako na walang gan'ong bagay sa mundo. Likha lang ng tao ang 'maganda' at 'pangit'..

Likha lang ng malilikot na isip ang 'maganda' ay 'mahusay' at ang 'hindi ako natuwa' ay 'walang kwenta'..
sa tingin ko, kung hindi kinain ng ganoong sakit ang mga tao, wala sanang may nasasaktan..
walang nag-aaway..
walang umiiyak..
walang nahahamak..

Binibigyan ng mga salitang 'First Rate' at ang malupit na 'Third Rate' ng kahulugan ang mga bagay-bagay..
tao..
katayuan sa buhay at lipunan..

Naisip ko, kung ang lahat ng bata noon ay nabigyan ng award.. wala sanang makakaramdam ng salitang 'pagkabigo'..

pero sorry na lang ako at ang post na ito dahil hindi ganoon tumatakbo ang buhay sa mundo..
may namimilit..
may napipilit..
may nananalo..
may nasasaktan..
may nabibigo..

bakit kasi hindi na lang natin tingnan ang lahat ng bagay sa pagtinging 'walang panghuhusga'..
walang maglalagay ng Label..

kahit nga 'feelings' binibigyan na ng pangalan..
Joy is good and Sad is bad..
is that right?

kaya nga wala akong nilagay na Label sa blog na ito dahil wala akong balak lagyan ng kategorya ang bawat post ko..
pantay-pantay..
pare-pareho..

sana ganyan din tayo sa lahat ng bagay.. :)

____________________ 

16 January 2010

Hindi lang kisame ang hangganan.. subukan mong lumabas, tumingin sa itaas.. at makikita mo.. masyadong malaki ang solar system! 
Maraming paraan para makahanap ng totoong mapupuntahan at kalalagyan.

Ako sa moon. Magpapatayo ako ng vacation house kapag overpopulated na ang mundo..
at kailangan ko nang kusang umalis dito.
- elleine :)

____________________

12 January 2010

Photobucket


____________________


Photobucket


____________________

11 January 2010

Laki ako sa kape.. :)

Ano ang isang bagay na lagi mong ginagawa sa loob ng isang araw at kapag hindi nagawa ay para bang kulang ang araw? Naalala ko tuloy 'yong commercial ng Bear Brand o BearBrand o Bearbrand.. hindi kasi talaga ako pamilyar sa gatas na iyon kahit pa household name na siya ng mga tao..
talaga lang hindi ako umiinom ng gatas.. kahit alam kong mali 'yon. It makes me vomit kapag nai-imagine ko.. hehe..

Nang minsang sumakay ako sa bus papuntang Lawton, naipalabas na naman ang commercial na ito, tapos bigla na lang akong.. "ako laki sa kape.." something like blurting it out.. as in ALL OUT! pati katabi ko sa bus napatingin sa akin sabay one-sided smile ang bruho..

nakakatawa kasi totoo.. kahit siguro tanungin niyo pa ang Nanay ko. Wala pa daw akong isang taon sa mundo eh lumalaklak na ako ng isang tasang kape.. which is hindi normal diba naman?

at hanggang ngayon lumalaklak pa din ako. Bakit nga ba laklak ang term? because my average intake of coffee is 4 cups.. average 'yon huh, hindi lang 'yon bilang..
sa maniwala ka man o hindi, totoo 'yon..
sa umaga.. sa tanghali.. makakatatlo ako sa hapon.. maging bago maghapunan.. pang-mid night snack.. sa madaling araw.. ultimo bago mag-toothbrush dapat makahigop man lang ako ng kape..

ka-adik-an nga naman..
hindi ako gutom sa kape, talagang adik lang ako.. and there's nothing we can do about that.. hihi..
actually, habang tina-type ko ang post na ito, humihigop pa ako ng kape.. :D
at lagi yon.. imagine? bawat post, katapat isang tasang kape.. hehe..

ano ang buhay kung wala ka?
wala ng sigla..
wala ng kulay..
wala ng kahulugan..


masama daw ang kape.. kapag sobra..
alam ko 'yon..
hindi ko lang alam kung bakit di ko magawang mag-file ng divorce sa kanya..
mahal na mahal ko siya.. ♥
siya ang karamay ko sa mga gabing tahimik at nagiisa ako..
sa mga tanghaling hindi masarap ang ulam at bumabati sa akin ng goooood moorrrningggg! sa umaga..
hay kape.. mahal kita, mahal mo ba ako?
siguro.. kasi noon pa man magkasama na tayo.. nyahaha!Ü

____________________
Titulo..

naisip ko lang, saan ba nila (blogger, in any sense) nakukuha ang nagiging titulo ng kanilang mga post?
curious lang..
hihi.. :)

____________________

10 January 2010

Money is not required to buy one necessity of the soul

____________________

09 January 2010

Confessions..

balik na naman ako sa pangangarap..
ng mga bagay-bagay sa mundo..

in the past 2 years, I found the world's most 'dirtiest word' , and they're still existing as 'good words'..
I find it hard to associate those as 'good words' if for me they are 'dirty words' maybe 'cause I experienced things most likely would not happen to other people..

Ambition is my dirtiest word so far..
ambition is what? I usually read this in slam books.. on my elementary year book. heard it on radios..
but hey.. what is the real meaning of ambition?
wala naman talaga.. tumingin pa ako sa dictionary ng meaning nito pero di pa din ako ma-satisty..

What is your ambition?
at kapag tinanong na ako ng ganyan.. isang matagal na pagtitig lang ang gagawin ko sa'yo..
wala akong masasabi.. as in, WALA.

I remember my sister, we're on the jeep riding back to Muntinlupa to spend our weekend on our house their.. We usually do this every week when we were young. Mama and Bibz is with us, like an out-of-town 2 days vacation..
Noong nasa  jeep na kami, madalas talaga 'yong naguunahan sa pagsakay, na para bang wala ng jeep na darating pa tapos si manong driver naman, dahil alam niyang pag-aagawan siya ng mga pasahero, sige naman ang patakbo kaya nagtatakbuhan din mga pasahero, naguunahang makasakay.

I was so tiny back then, so mama would pull me up, as if I were some kind of plastic bag na inihagis lang!hihi..
Nang makasakay na kami, tinanong ni Ludingz si mama kung bakit ganoon ang ginagawa ng mga tao, naguunahan sila sa pagsakay sa jeep, na bakit wala sa ayos ang pagsakay. Then mama promptly answered, "kasi walang nagaayos, dapat inaayos yan ng Presidente natin para hindi ganyan na naguunahan ang lahat kapag sasakay ng jeep." I could still recollect that words.. Then Ludingz ask again, "paano ba maging presidente? gusto ko maging presidente para ako na lang ang aayos.."

She was only 9 and I was 7 at that time but I can still remember that conversation..
What an ambition.. but she ended up studying Nursing..

so what's ambition?
can anyone tell me what is it?

I'm not against with my sister..
I guess it's because we were that toddler that we don't know what we're saying, right?

another story was when I was still on Kids for Christ..
someone ask me what are my ambitions, and I was so out-of-this-world that I didn't mind answering him..
because I don't know..

really..
I don't know if I have ambitions..

para sa akin, hindi sapat na tanungin mo ang isang bata kung ano ang ambisyon niya..
dahil sa pagdaan ng panahon ang lahat ng ito ay nagbabago..
maraming pangyayari sa buhay na nakapag-papabago sa ating mga desisyon at higit sa lahat, sa pagtingin natin sa mga bagay sa mundo..


tugunan ang dapat na tugunan sa bata ng malaman niya na may options pala..
alam ko medyo disjointed na pero paki-unawa na lang..

papa wanted for me to be a teacher..
so he planted on my mind that "I WANT TO BE A TEACHER.."
he even told me that I said it..
when? I can't even remember that I said that..

I remember pa nga noong 8 years old ako..
I want this super gandang limited collection na color pastels..
kaso wala akong pera para mabili yon..
I beg papa to buy it  for me but he didn't..
saying, "it's just a waste of money.."

Every kid wants to draw.. and color..
but what happens is it's beaten out of you..

do this..
write this..
draw this..
you have to be like this..
take this..

as if I want those things?
you never even cared to listen what I want..
and came for the conclusion that ambition is a dirty word..


every thing is beaten out of you..
and it is something you can never do about..



I hate it.


no one ever in this world ask me what I want.
what I want to do..
what I want to take..
what I want to be..

Maybe, if papa bought me that limited pastel collection, mas magaling na ako ngayong gumamit ng pastel..
do you get the point?

that's why I can never succeed into anything.. just like a trash and for nothing..
because I just can't sit and do what they want me to do..
I even try to do 'yong mga pinagagawa nila pero hindi ko magawa ng mabuti dahil hindi 'yon ang gusto ko..
hindi 'yon ang nasa puso ko..

so the word ambition is dirty..
the word ambition is on the mouth of 'nag-uutos..'

kaya ng mapansin nilang wala na akong magawang maayos dahil katawan ko na lang ang kumikilos at hindi na ang isip ko..
I was convinced I had absolutely no talent at all. For nothing. And that thought took away all my dreams, too. They thought I would end up in the hay.. wandering in the world because I was left out..

Well, things has its own turns..
I believe in that..

I don't mind what other people would say about me..
I don't want to waste my life like I have been..
I want it to be a revolution.. not just an evolution..
I want to change things as people perceived me I was..
and be the person I want to remember..

because in the end..
that's the most important thing..

- elleine

____________________

08 January 2010

 21 Guns
Green Day 
Do you know what's worth fighting for
When it's not worth dying for? 
Does it take your breath away 
And you feel yourself suffocating? 
Does the pain weigh out the pride
And you look for a place to hide? 
Did someone break your heart inside? 
You're in ruins 

One, 21 guns 
Lay down your arms 
Give up the fight 
One, 21 guns 
Throw up your arms into the sky, 
You and I 

When you're at the end of the road 
And you lost all sense of control 
And your thoughts have taken their toll 
When your mind breaks the spirit of your soul 
Your faith walks on broken glass 
And the hangover doesn't pass 
Nothing's ever built to last 
You're in ruins 

One, 21 guns 
Lay down your arms 
Give up the fight 
One, 21 guns 
Throw up your arms into the sky, 
You and I 

Did you try to live on your own 
When you burned down the house and home? 
Did you stand too close to the fire
Like a liar looking for forgiveness from a stone?

When it's time to live and let die 
And you can't get another try 
Something inside this heart has died 
You're in ruins 

One, 21 guns 
Lay down your arms 
Give up the fight 
One, 21 guns 
Throw up your arms into the sky 

One, 21 guns 
Lay down your arms 
Give up the fight 
One, 21 guns 
Throw up your arms into the sky, 
You and I
 
 
******
I was listening on my play list when this song catched my attention..
it was swakto.. :)
ahihi.. 
 
____________________
Three's

I first saw this band wagon (hehe) two years ago sa blog ng aking pinakamamahal na seatmate sa Accounting 1..
may blog kasi ang bruha, so I took a look and read this, but this time.. I'm going to take this band wagon (hahaha) and post it here.. as if may magbabasa! :p

three names you go by:
1. Elleine
2. Eli (ee-lie)
3. Elles

three screen names you have had:
1. kofitaym
2. chubibo platito
3. klatretosen

three physical things you like about yourself:
1. lips
2. height
3. my other baby.. ^_^

three physical things you don't like about yourself:
1. skin
2. feet
3. waist

three parts of your heritage:
1. Filipino
2. Chinese
3. Spanish

three things that scare you:
1. electricity
2. sound of an Airplane up in the sky
3. crowd

three of your everyday essentials:
1.coffee
2. books
3. pen

three of your favorite musical artists:
1. Jason Mraz
2. The Proclaimers
3. Yellow Card

three of your favorite songs:
1. "21 Guns" by Green Day
2. "Breakaway" by Kelly Clarkson
3. "I'm Gonna Be" by The Proclaimers

three things you want in a relationship:
1. trust
2. openness
3. friendship

three lies and truths in no particular order:

lies:
1. success comes by accident
2. Life is fair
3. I'm numb

truth:
1. all things that goes up must go down
2. 1 + 1 = 2
3. I'm a kid at heart

three physical things about the opposite sex that appeals you:
1. eyes
2. back
3. height

three of your favorite hobbies:
1. writing
2. watching Hollywood movies
3. dreaming

three thing you want to do really badly now:
1. eat a good meal
2. travel
3. go to school

three careers you're considering/you've considered:
1. tour guide
2. having my own business
3. musician

three places you want to go on vacation:
1. Paradise Ranch (perfect!)
2. Alaska
3. Centennial Park (just spend the whole day for a picnic)

three kid's names you like:
1. Margaret.
2. Alex
3. Emma

three things you want to do before you die:
1. say " I Love You always" to my family and friends..
2. say " I'm sorry" to my family and friends for being such a stupid daughter, sister, and friend..
3. play my first and favorite piano piece in front on my family.. I want them to here it when I play..

three ways that you are stereotypically a boy:
1. I always wear caps and jackets
2. I don't wear make-up (hate it)
3. I spent my first earnings on a Robot

three ways that you are stereotypically a girl:
1. I cry easily
2. you can always spot me in Aksesoriz (if you know that)
3. I'm feminine.. with all my heart..

three celeb crushes:
1. Johnny Depp
2. Emile Hirsch
3. Max Thieriot

three people that I would like to see take this quiz:
1. wala
2. wala
3. wala .. :D

____________________

Move on na lang...

so ganun na nga..
move on na lang ako, dahil di na matutupad ang pangrap kong matapos ang FOOD AND BEVERAGE SERVICES na kinuha ko sa Las Piñas Manpower and Training Center..

mama didn't want me to take that up..
Ludingz is sooo ewan.. she didn't want me to take it also.. saying.. "it's just a waste of time.."..
Mang Sid was so nega! He said, " magtrabaho ka na lang. Anong mapapala mo sa pag-aaral.."
And Tita trish said,"Walang mangyayari sa'yo dun.."

Hell you people!
I hate you..

Sino kayo para pahintuin ako sa pag-aaral ko?
Gusto ko na kayo isumplong sa senado..

kung mayron nga lang akong pang-paaral sa sarili ko..
malamang di niyo ko mapipigilan..
but I don't and it sucks!

I have to work and magipon..
Hell this false world..
This Blog is the only outlet I have..
thanks sa'yo blog.. I love you..♥

you're always there for me..
my release..

di bale.. malalagpasan ko din to..
makakabalik ulit ako sa school..
mag-aaral ng mabuti at ipagpapatuloy ang kursong di ko matapos-tapos..

from now on..
no one will ever make me feel like I don't deserve what I want..
I should stand for what I believe in..
and continue for what I have started in..

life goes on..
so does time..
I don't want to waste my time thinking about those stupid people who keep my life miserable..
i will never let anyone.. anybody..
right?!

so keep going Elleine.. you know what you want for your life.. to live it freely..

____________________
Keep Moving Forward

I'm not fond of cartoons.. but recently, with the help of 3D, cartoon films is best viewed and appreciated by the mass.. :)
that's why I'm starting to like cartoon movies..

Last year, I've watched Meet The Robinsons in mama's pc.. courtesy of Bibz who downloaded it via Bittorrent.. :p
and it was soooooo beautiful and soooooo good! ^_^

Ganda ng kwento..
about sa isang batang orphan named Lewis na very intelligent and become a scientist.. as the story goes nga..
Being an orphan, he wished to see her mother, which is unfortunately, hindi din kilala ng naging taga-pagalaga niya ng kapwa niya mga bata sa Orphanage. Matalino siya at super dedicated sa study niya ng bigyan siya ng pagkakataon na sumali sa isang contest, which is InventCo, na pagpapakita ng mga inventions ng mga talented na bata.. So he joined.. And made this wonderful Brain Scanner na maaaring gamitin para makita ang mga nakaraan sa buhay ng isang tao.. na medyo personal for him because he never saw his mother..
Then there's Goof, his friend and roommate sa orphanage.. there's the makulit na  Wilbur na sa bandang huli ay may dalang revelations.. interesting and napakaraming lessons..

isa ito sa pinakamagandang movie na napanood ko..
ang totoo, napaiyak pa ako nito sa bandang huli .. at maganda ang theme song nitong "Little Wonders" by Rob Thomas..

Lewis: I don't even know what I'm doing.
Wilbur: Keep moving forward.
Lewis: I mean, this stuff is way too advanced for me.
Wilbur: Keep moving forward.
Lewis: And what if I can't fix this, what are we going to do?
Wilbur: Keep moving forward.
Lewis: Why do you keep saying that? And don't just say keep moving forward!
Wilbur: It's my dad's motto.
Lewis: Why would his motto be keep moving forward?
Wilbur: It's what he does. 

*****

let it go,
let it roll right off your shoulder
don't you know
the hardest part is over
let it in,
let your clarity define you
in the end
we will only just remember how it feels

our lives are made
in these small hours
these little wonders,
these twists and turns of fate
time falls away,
but these small hours,
these small hours still remain 

all of my regret
will wash away some how
but i can not forget
the way i feel right now 

****

Around here, however, we don't look backwards for very long. We keep moving forward, opening up new doors and doing new things, because we're curious... and curiosity keeps leading us down new paths. 
- Walt Disney 

____________________

Well, this is embarrassing..

Firefox is having trouble recovering your windows and tabs. This is usually caused by a recently opened web page.

hehe.. habang ako'y galit sa mundo..
at habang tina-type ung huling ni-post ko..
eh biglang..

".. Firefox has been crashed.."

what the..

at namatay nga si Firefox..
hayhayssss...
pati ba naman ikaw Firefox ayaw makisama?
amp..

____________________
Just an Unlucky Life!

Hindi ako malaya.
Kailan ba ako naging malaya?
Malamang sa panaginip lang..
mabuti pa ung noodles.. Lucky!

Four days ago, excited akong pumasok sa school..
Then all of a sudden.. HINDI na ako papasok..


What the hell is wrong with you mama?
Why don't you just let me do what I want?!!
.. Just do what I want to do with my LIFE?

I have these people telling me to stop..
to not to continue this bullshit thing.. kuno?

it's not a bullshit thing!
This is what I want to do..
pumasok sa school, mag-aral..
makakuha ng alas para makahanap ng trabaho..

MAHIRAP BANG INTINDIHIN YON?

"Hindi yan ang gusto ko para sa'yo.."

so anong gusto ninyo para sa akin?
Masaya ba kayo na nakikita akong tambay..
walang ginawa sa loob ng bente-kwatro oras kundi matulog at tumunganga?
Face the facts naman!
wala ng nangyayari sa buhay ko..

hindi ko maintindihan kung bakit para bang masaya kayo na miserable ang buhay ko!
Naiinis ako sa inyo higit sa lahat sa iyo!

bakit kailangan mong iparamdam sa akin na hindi ko deserve ang gusto ko?

"It's just a waste of time"..

waste of time?
kailan pa naging waste of  time ang pag-aaral?

ayokong sayangin ang oras ko sa pagtulog lang..
bakit hindi na lang ninyo ako pabayaan sa gusto ko?


Hell!
You'll never earn my respect because you never respect what I want..
you never appreciate me..
you never understand what I'm trying to say..
trying to do..

you never even cared for me, especially for the "bullshit thing" I really cared about..

Even the closest word that could describe what i feel could never show how broken I am this very moment..

You made me feel like I don't deserve what I want..
and I hate you for making me feel like that!


******


The life that I was trying for was gone.. and it's hard to breath..


____________________

07 January 2010

What is it like...

to quit?


four days ago I was so inspired..

to live..
to breath..
I guess it was like a start of something new..

now, all I want is to shut my eyes.. hoping to die.. IMMEDIATELY!!!

can anyone kill me?

PLEASE! I needed to die! urg!

____________________
FBS VP.. :)

aguy..
ayus din mga classmates ku weh..
di pa nga kami magkakakilala, ginawa na akong Vice President ng klase.. ^_^

sana maging maganda ang buong tatlong buwan ko sa school! :)
uhm, feel ko naman..
masaya sila at 'very welcoming' ..

.. :)

____________________

05 January 2010

Princess of the Road

Period (.) - means to 'end' a statement in a sentence..


I love to walk..
it's something that I 'just' love to do..

walking down the street..
walking miles and miles to school..
walking back from school to home..

It releases my worries..
It fills the 'needs' I need..

I just want to.. walk.. 

____________________

04 January 2010



What's the craziest thing you've done lately?




talking to myself and have those people telling me,


"What the hell is wrong with you? I saw you talking in the kitchen - alone!
 
____________________
Back to School.. :)

You want something real?

I've been out-of-school for 22 months. I stopped going to school last Feb 2008 for some.. - many, actually - personal reasons. One of the reasons eh.. 'I guess, I was going nowhere, because I really, really don't like my course!' ..

I was sort of like.. 'leading a non-sense life'..

But to be honest, I want to be in school. I love waking up in the morning, riding the jeep and going to school.
And to be perfectly honest, I was one of the good students in my class..

Unfortunately, there are these some kind of reasons that has nothing whatsoever to do with my life..

I admit I chose a wrong course.. but eventually, I learned to love it.
But it's not what I really like.. it was something someone like me to take.. Get it?

So I stop..


and now I'm back! :)
taking what I really like..

Good luck for me and may the good Lord will always be with my side.. mamaya! OMG..


FBS \m/

____________________ 

03 January 2010

Best Movie based on a True Story

Kailan ko ba ni-post dito 'yong tungkol sa movie na Into the Wild starring Emile Hirsch?
Napanood ko na.. Ahihi..
Grabe hanuh? It made me teary-eyed!
Mahusay na pagganap sa pangunahing tauhan, higit sa lahat, mahusay na naipakita ang mensahe ng nasabing pelikula. Hindi ko lubos maisip 'ung mga yelo sa sinagupa niya. hehe..

And as the story goes.. wala pa akong isang buwan sa mundo ng maisip ni Chris McCandless na mag-adventure
into the wilderness...

Anyways, I guess, every one should watch this film. A great and brilliant story about a guy who never wanted
to have a career but to take an adventure and be at one with nature.. :)

The movie is simply - excellent! :)

********

HAPPINESS IS ONLY REAL WHEN SHARED
- Christopher Johnson McCandless


____________________

Me and The Unlucky Eggplant

I took charge of our kitchen 5 minutes after birth.. in other Lenggwaz, taga-pagluto sa bahaUz. Pero hindi lahat ng niluluto ko ay kinakain ko din. Hindi ako kumakain ng gulay.. hindi ko alam kung anu bang problema ko pero 'di mo talaga ako mapapakain ng gulay. Nasa buto ko na atah un?
Tulad n Chopseuy at Laing, malamang tatantiyahin ko na lang ang lasa nun sa aking utak pero di ko talaga titikman un.. -swear!-

Bilang official cOok ng aming palasyo, it's mah responsibility to serve delicious and nutritious foodies for the giant eaters.

Unfortunately, kaninang tanghali,nang dahil lamang sa apat na talong na pinaluto sa akin ng magaling kong ina .. hayun, nasira ang maganda kong imahe bilang mahusay este opisyal na tagapagluto..

napaka-ambisyosa naman kasi ng hinayupak na talong na un! gusto pa talaga ng magandang luto eh..
it's mah perz taym to cook an Eggplant.. so, pinagpasensyahan na lang ako ng mga tukmol ng lipasan na sila ng gutom .. hehe ..

and bcoz it's mah perz taym to cook an eggplant.. it resulted to a horrible situation where my femeLiz panicked 'cause of my stupidnessssss.........

pero bago ang lahat ng pangyayari kaninang tanghali, me nakapagtiktik sa akin, thanks to my labalol tita sally. Sabi nya ilaga ko daw ung talong. Ako naman si tanga, sumunod sa sinabi nya.

kaso ng makita kong nagchange ng color ung talong, inalis ko agad. Nag-bate ako ng itlog kasi nga tortang talong.. davah?

tapos hayun nga.. ang resulta? hindi ko kasi tinanggal ang balat..

aba'y malay ko ba na tinatanggal yung balat nun? ayun na si talong, ke tigas madurog sa binateng iltog.. at ng ni-prito na.. presto! instant ulam na.. pero walang kumain dahil 'di daw machalap! ang swanget na ng lasa.. antigas pa ng talong..
hehe..

tanga 'yong cook nyo ee .. =p


____________________
Eksena sa Jeep

Kakatawa kanina eh. Galing kasi ako sa Uratex, sa East Cupang, Muntinlupa. Pinabili ako ng – as usual, foam. Nang pauwi na ako, sumakay ako sa jeep dala ang konti kong pinamili sa factory. Punuan ang jeep sa palengke ng Alabang, mabaho, mainit at masikip. Nang madaan na kami sa tapat ng Alabang Town Center, may sumakay na ale. Medyo may katandaan na ang itsura, naka-blue na blouse at may dalang payong at maliit na pitaka. Iyon bang karaniwang matandang makikita natin sa daan o palengke. Tapos sumakay siya sa jeep na kinasasakyan ko. Sabay abot ng bayad sa katabing estudyante at biglang sambit ng, “Sa Sholand nga”. Confident pang sabi ng ale. Huwat??!! Nabigla kaming lahat. Saang ‘SHOLAND’? Mayroon na palang Sholand sa Las Piñas!!! Bakit ‘di ko alam? Este, hindi namin alam? Naming lahat?! At biglang sumambit si mamang drayber, “Saang lupalop naman ng Las Piñas matatagpuan ‘yang Sholand mong iyan?”. Pabirong sabi ng pawisang drayber. Haha. Tae. Kailan pa nagkaroon ng Sholand sa Las Piñas? Kani-kanina lang ba bago ako sumakay ng jeep? At saan banda? Bwahaha! ‘Yong SM Center Las Piñas nga sa banding Ever malapit sa Starmall inabot pa ng siyam-siyam bago makilala, iyong Sholand pa kaya? Saan naman kayang “neverland” yan? Harhar… Seryoso lahat ng pasahero kasi sabi ng drayber, “Hindi ko tatanggapin iyang binabayad mo. Wala naman Sholand dito sa Las Piñas kaya bumaba ka na”, deklara ng sumusungit na drayber. Ayaw bumaba ng ale. Mukhang gusto pang palakihin ang eksenang kanyang ginawa segundo mula pagsakay sa jeep. Tapos biglang may umepal – hehe – “Baka sa Southland?” Ayun naman pala eh. Na-figure out din! Susme! Tawanan kaming lahat. Pati ako tawa ng tawa. Sa sobrang pagkabigla ko kasi sa sinabi ng ale, ay gusto ko ng itanong sa katabi ko kung may Sholand ba talaga dito. Haha. Kaya ayun, happy trip kami hanggang makababa ako.

____________________

01 January 2010

Welcome 2010...
HAPPY NEW YEAR !!!

woah! parang kailan lang..
bata pa ako..
tapos ngayon..
magdadalawang dekada na ako.. and this year marks the 'end' of the decade! :)

year of the Tiger daw ang 2010..
ay.. sorry, hindi lang 'daw'.. dahil..
Year of the Tiger talaga ang 2010 sa Chinese Calendar.

Anyways.. Happy New Year ulit sa lahat ng nilalang sa mundo!:)
Busog ako sa tawa, halakhak.. kain at higit sa lahat.. usooooookkkk!!!!
Grabe iyong buong street namin! parang lahat ng ulap sa mundo bumaba sa lupa! ..
pati mga kamay ko 'di ko na maaninag kanina.. hehe..

Naging masaya ang unang araw ng taon..
as usual, ako pa din ang taga-pagluto. Ako naman talaga parati..
inabutan na kami ng putukan sa palengke dahil si mama, ayun, last minute shopper kasi.
(nasa dugo na..)
May baliw pa nga na naghagis ng kung anong maliit na paputok na malakas ang tunog sa paa ni mama habang namimili kami ng kalamansi! haha..

Masaya at makulay ang unang araw na ito..
sana sa buong taon din!

********

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng aking 2009..
sa lungkot at saya..
sa hirap at ligaya..
sa tawanan at iyakan..
sama-sama.. :)

Happy New Year ulit sa lahat ng tao sa buong mundo.. :))
Maging masagana sana ang buong taon..
maging ligtas at makulay ang buhay!




____________________