29 October 2009

FIELD TRIP : Mary of Peace School

Hindi ko talaga balak magliwaliw lalo na kapag may trabaho.
May kontrata kasi ako kay Jakar na kailangan matapos bago mag-biyernes.
So, ayun na nga. Ako lang naman ay isang aliping sunod sunuran sa aking pamilyang malupet at walang kalaban-laban sa buhay kaya ng ichuvah bigla ni Ludingz na, “Si Elleine na lang ang sumama kay pungay sa field trip “ eh wala talaga akong nagawa. Sa ayaw ko man o sa gusto, ako ang sasama sa Field Trip ng mga bata- bata! – kasi nga Grade I pa lang si pungay at wala talagang pwede or let’s say, walang available that day. Okie Elleine, wak ng makulet, kasama ka naman sa Field Trip. Amp…

Lecheng October 28 yan… dusa at puyat ang inabot ko sa magdamag na trabaho (kelangan magpuyat) tapos alas singko pa lang dapat nasa school na ni Pungay, siyempre kasama si Pungay, alangan namang ako lang ang pupunta, hindi naman ako estudyante ng School na ‘yun.Oh siya… to make it short, madilim pa lang naglalakad na kami sa kahabaan ng Paradise para sumakay ng tricycle sa kanto ng BF. Grabe naman pagka-excited ng mga tao, ang dilim pa lang dami ng tao… nagaantay sa bus.

Tapos, antagal tagal pang tawagin pangalan ni Pungay para sa lecheng Student-Parent Seat… whatever! Sa bus A ang mga Grades I and II. Noong una, imbyerna talaga ko. Bukod sa wala pa akong tulog, at lumusong ako sa malamig na tubig nang maligo ako ay talagang pagod ako na kung maaari lang eh, matutulog ako sa buong araw ng Field Trip.

Kahit sa bus na! Okz lang, makatulog lang. Kaso… hindi Pwede matulog! Hindi dahil kailangan bantayan si Pungay (nasa bus na kami, for sure kahit matulog ako, safe siya), hindi din dahil nakakahiya matulog sa bus, hindi din dahil Field Trip at dapat mag-participate ang mga Parents/Guardian… err “sister”… kundi dahil sa… napakaGWAPONG BUS COORDINATOR cum TOUR GUIDE! … Hahahah…

grabe! Hindi ko akalaing may ganoong taong nabubuhay sa mundo. Para siyang larawang gawa lang ng imahinasyon ko na nakatayo sa tabi ni Manong Berting The Bus Driver. Ganda pa ng pag-akyat nya sa stairs ng bus. Parang Adonis!haha!... landi eehh… Ayos ang porma, japorms ang lolo niyo… hehehe… And with all fairness in that moment… kapansin- pansin din ang pagiging magaling niyang magsalita ng kung anong tourist spot dito sa ‘pinas. Siguro, tapos siya ng Tourism at nagtrabaho sa Palanca Tours para maging isang Tourist Guide. Magaling siya magsalita, hahanga ka. At siguro din, bago sila pumunta sa pupuntahan ay nag-research muna sila. Bawat daanan namin ay ipinapaliwanag niya… kakaaliw!Ü

Sa Bulacan at Clark, Pampanga ang destinations namin. Nagpunta kami sa factory ng Natures Spring Mineral Water na matatagpuan sa Bulacan. Tapos punta agad sa Clark, Pampanga kung saan naroon ang Centennial Park, Air Force City (na nawala si Pungay), Pure Gold Duty Free, Paradise Ranch, Nayong Pilipino ( na napuntahan ko na sa banding Pasay, kaso dito sa Clark walang Mayon Volcano at Chocolate Hills) at sa ride-all-you-can na Feliz Cidade. Aww… ang saya!

Grabe… hindi ko akalain na iyon pala ang kapalit ng isang buong magdamag na puyat at pagod sa pesteng kontrata ko kay Jakar. At least nakapag-unwind ako at sobrang dami ng “brother-sister moments” namin ni Pungay…

Sa awa ng maykapal, nakauwi kami dito sa Las Piñas ng 10:30 pm…  supah pagod at antokz kaming lahat. Ang lamig pa sa bus, pamatay. Kaso hindi man lang ako nakapagpaalam kay kuya Rudymel, sana kahit papaano nakapag- buhbye ako tapos hug sabay kiss! Hahahaha… Ehem… malisyosang bata! Wahehe… Saya… sana maulit muli!Ü

____________________

01 October 2009

Two months.

Nawala ako ng dalawang buwan? 
Masyadong lang busy. 
Madaming ginagawa.
Gasgas na yan!
Eh sa may ginagawa eh.
Lagi naman!
Hmmp!
Hmm..

Nawala ako. Buti nga nakauwi pa. Hehe..
Dumaan na lang ang kaarawan ko, hindi ko man lang nabati ang sarili ko dito. Di bale next year, babatiin ko sarili ko dito..

Maiba tayo, madami kasing nangyari.
Umalis si Bibz. Dumating si Abi. Umalis si Tintin. Dumating si Jerome.
Ano ba yun?
Halos umalis na lahat ng importanteng mga tao dito, ako nandito pa din!
Wala pa din nagbago..

***

Belated Happy 21st Birthday sa aking Ate Eloida (September 30).. ^^

***

Ayun, baka mawala ulit ako ng matagal..
mga next month na ulit.
busy lang. :D

____________________