17 July 2009

Charcoal

Akala ko noon, sa school lang iikot ang buong buhay ko.
Hindi pala.

Mula ng maging isang Dora ako.. (out-of-school-youth)
halos mawala na lahat ng pinagipunan kong kaalaman sa buhay.
Akala ko, totoo iyon, kasi sabi ni Sir Joey, "School is your learning ground"..
Eh kapag hindi kana nag-aral.. wala ka na bang silbi?
Hindi pala.

Nalaman ko na napakaraming bagay na maaaring gawin..
sobra-sobra. Bukod sa sobra ang oras mo para matulog,
sobra ang oras mo para humilata..
at walang lintik na deadline kang hinahabol- malaya ka.

Anyway, huwag malinlang.
Tungkol sa kalandian ang post na ito, hindi ito inspirational post!
Ahaha..

Si Charcoal. Crush ko yan.
Kapitbahay namin. Pero hindi talaga siya taga dito. Ewan ko kung saang jungle siya galing. ^^

Hindi ko lang alam ang pangalan niya.
Si Bibs nag-bansag sa kanya ng Charcoal. 'Lam mo na..
hihi.. gwapo yan.. Darkest of the Darks Version ni Piolo Pascual. :D

Nyaha! :D

____________________