i n s e c u r i t i e s . 1o1Bakit nga ba napakadali para sa atin na humanap ng 'panget' sa ating mga sarili?
At para bang napakahirap naman humanap ng magandang bagay sa ating katawan?
At bakit nga ba napakadali para sa akin na humanap ng hindi magaganda sa aking sarili?
Ni hindi ko nga magawang purihin ang sarili ko kasi nga parang wala naman maganda sa akin.
Wala akong makitang maganda dahil nga wala naman talaga..
Naiinis ako! Bakit naman kasi lahat na lang ng nakikita ko sa sarili ko,hindi maganda?
At ayon.. hindi ko matanggap.. :(
Depressed na 'ko.. as in to the highest level na sa pagtaba ko. Actually never pa akong pumayat (sa aking pagkaka-describe sa aking sarili). Basta ang tingin ko sa katawan ko, mataba ako. Kahit normal lang NAMAN daw ung timbang ko sa taas ko pati sa edad ko. Pero bakit ganun? Feeling ko, ang taba taba ko?
Ung mga damit ko, hindi na magkasya. Tapos feel ko talaga ang takaw ko.
ang resulta?
Mukha na akong tanga. Sabi ni mama, baka daw mapraning na ako nito kakaisip kung paano pumayat. Inis na nga si Eloida sa akin. Lagi na lang daw kasi bukambibig ko ang "paano ba kasi ako papayat?". Eh kasi naman, paano nga ba? arg!
Ngayon lang sa tala ng buhay ko nagkaganto ako. Parang gusto ko ng umiyak. Pinag-aaralan ko na kung anong ibig-sabihin ng KiloCalories at kung ilan kCal ba ang dapat kong i-take per day at anong tamang excercise ang dapat gawin..
Iyong mga nilalapang ko araw araw pinagdududahan ko na rin. Amp..
Feeling ko, bawat ingridients na meron 'yong Spaghetti eh ikatataba ko na at napag-alaman kong mayroong 70 kCal ang Rebisco Chocolate which is one of my favorites..
Paano ako makaka-survive nito?
O ang dapat ko atang itanong..
Paano ko malalampasan ang depression na 'to?
Insecure na ako sa katawan ko, sumasabay pa 'tong hinayupak na buhok ko!
Bakit ba kasi naglalagas ito?...
ampupu..
Frustrated na'ko kasi hindi naman ito ganto dati..
ayt naman si buhok ko, til one day napansin ko na lang.. 3 inches na lang iyong buhok ko sa bandang itaas ng ulo ko, e ang haba ng buhok ko!
pagupit kaya ako? ano naman ang bagay na hairstyle?
Oo.. naririnig ko pa naman sarili ko. That's why I'm still aware of what is happening in me .. until this very moment. :(
Paano ko malalampasan ito?
I don't want to live my life like this. Or perhaps I should accept the BIG FACTS that I'm really chubby and my hair needs a new hair cut..
Tapos wala pang nag-e-encourage sa akin. Dagdag pamimintas pa femeLiz ko.. amp!
Tuloy, ayaw ko ng tumingin sa mirror.. parang kasalanan ang pagtingin sa salamin.. andami kong nakikitang di maganda sa sarili ko..
***
But I realized, as I was writing this kinda frustrating confessions, that somehow I should manage myself and also my feelings.
Sometimes, if others can't give us a compliment or encouragement, why don't pay one for ourselves?
Pwedeng 'fake' muna sa una hanggang unti unti na nating matanggap sa ating mga sarili ang SADYANG KATOTOHANAN NG BUHAY AT PAGKATAO natin..
pero kaya ko ba?
Tulad ng pagtingin sa salamin at sabihing..
"Cute naman ang chubby ahh.."
at
"bagay naman ang short hair, uso yan kasi summer!"
haiz..
sa una mahirap..
at sana mag-sink in sa isip ko ang mga ganoong bagay..
aww.. sana lumipas na'to..
***
Sa mata naman niya, perpekto ako.
Kailangan ko lang mahalin ang sarili ko, para makita ko na maganda din pala ako?Ü
***
It's a heck of place to find yourself..
____________________