18 March 2009

Colored gadget - missing !

Alam ko wala akong selpun ngayon .. pero please lang wag naman kayong ganyan!
Lintik kasi 'tong si Bibz ee ..

pagkatapos kong magbayad ng isang daang piso sa paghiram sa n70 nya noong nakaraang taon para gamitin sa isang importanteng chuvanez..
pers taym ko lang kasi pumunta sa MOA nun kaya gusto ko, mag-piktyur piktyur ..

sa katangahan nya.. selpun ku naman ang niwala nya..
ganto kasi istoya..

ako: bibz peram naman ng Lelepunz mu bukas.. punta kame sa moa ni Ivy.. lam mu na, piktyur piktyur kame.. =p
bibz: ayoko nga.. mawala mu pa eh ..
ako: hindi naman ako ganun eh, cge na. peram na..
bibz: hay nako! (pasigaw, sabay walk-out)
pagkaraan ng ilang oras....
ako: wui cge na, peram na ng Lelepun mu.. ibabalik ko naman ng buo wah ..
bibz: oh cge.. pero me bayad!
ako: ano? hiram nga tas me bayad?
bibz: ayaw mu yata eh?
ako: magkano ba?
bibz: 150 ..
ako: taena na yan .. pamasahe ko na un eh!
bibz: 100 .. tapos iwan mo cp mo. palit muna tayo..
ako: teka pag-iisipan ko pa.. eh bakit iiwan ko pa cp ko?
bibz: ayaw mo yata eh.. cge ka, baka magbago pa isip ko.. syempre magpapalit muna tayo.. anong tingin mo? tititigan ko lang simcard ko?

(nakanang Libaging bibz na'to.. nanggigisa pa eh.. di bale, ako naman ang me kelangan ..

ako: uh sya .. cge .. 100 nalang.. tae ka! panu pa ko makakapunta neto.. ingatan mo cp ko wah ..
bibz: ingatan mo kamu cp ko..

(tatawa tawa pa ang tukmol ..)

kinabukasan pag-uwi ko.. hinagilap ko agad si Bibz kung asan man syang lupalop ng planeta ..

ako: oh, eto na cp mo.. upload mo mga pix ah.. asan cp ko?
bibz: dun, tignan mu sa pasimano..

(sabay abot ko ng cp nya,, at hinanap ko cp ko..)
Langya yan! wala sa pasimano ..

ako: ui bibz, asan? wala dito..
bibz: gago, andyan lang yan ..
ako: tae ka wala.. san mu ba nilagay?
bibz: dyan nga lang ..


pagkaraan ng ilang oras na paghahanap sa colored cp ko.. wala pa din making natagpuang bakas nya.. ni anino o kahit anong marka - wala!
at syempre.. sino nga ba ang sisisihin? nag-away pa kami ni bibz nun with matching iyak iyak pa ko.. at siya.. deny deny pa! ampupu!

napag-alaman namin na nagdeliver ng mineral water noong tanghali.. yung pasimano katabi lang ng water dispenser.. at yung nagdeliver lang na un ang tanging pumasok sa bahay that day ..

at wala na akong magagawa kundi ang umiyak.. magluksa.. malungkot.. magkulong sa kwarto.. at sisihin si Bibz sa kapabayaang ginawa nya..

ako ngayon ay nagiisa.. inaalala ang masasayang nakaraan namin ng aking 2600 ..
ang aming pinagsamahan.. mula sa walang salamin na housing hanggang maibili ko na cia ng housing na pooh ang design .. apaka saklap ng kanyang kinahantungan ..

alam kong nagngungulila siya sa akin sa mga oras nato..
dapat kasama ko siya ngayon o kaya naman katabi sa pag-meme..
huhu ..

magiipon pa ako para makabile ulit ng silpun!
aww..
____________________

14 March 2009



"I've never fooled anyone. I've let people fool themselves. They didn't bother to find out who and what I was. Instead they would invent a character for me. I wouldn't argue with them. They were obviously loving somebody I wasn't."

____________________